forty-eight

19.3K 442 60
                                    

Forty-Eight: How Could You

Hindi ako makapali kahit nang makapasok na sa classroom. Isa lang ang bumabalot na katanungan sa isipan ko: sino?

Sino ang nagpadala ng note sa locker ko? Dati, akala ko ay isa lang sa mga babaeng nagkakagusto kay Slade pero ngayon, hindi ko na alam. It could be anyone for all I know.

Ang tanging sigurado lang ako ay kung sinuman siya, ang tinutukoy niya ay yung nangyari sa bar noong Sabado ng gabi. Nasaksihan niya ang nangyari sa pagitan sa amin ni Miles at ngayon nga ay ginagamit ito laban sa akin. Doon na pumasok ang pangalawang tanong: paano?

Nandoon din siya sa bar nung gabing yun. Kung nagkataon o sinadya niya akong sundan doon ay hindi ko alam.  At natatakot akong ang huli ang sagot. Ibig sabihin lang kasi noon ay seryoso siya sa anumang pakay niya sa akin.

Itinaas ko ang parehong kamay at itinakip sa mukha. Napabuntong-hininga ako. Ganoon nga kaya iyon? May stalker nga kaya talaga ako? Ano namang makukuha niya sa akin sa pagpapadala ng mga itim na note?

Ibinaba ko na ang mga kamay at napatingin sa kawalan. Isa lang ang naiisip kong sagot sa huli kong tanong—si Slade.

Gusto niyang maghiwalay kami ni Slade. Not that were into a relationship pero alam ko yun ang gusto niyang mangyari. Ang sirain kung anumang meron kami ni Slade. At ngayon nga ay may hawak na siya na pwedeng maging dahilan para mangyari 'yun.

Tahimik akong napaungol. Ugh, CN. Bakit ba kasi ang tanga-tanga mo? Bakit hinayaan mo pang mangyari yun?

At parang nananadya ang pagkakaton dahil bumukas ang pinto at mula doon ay pumasok si Miles. His eyes clashed with mine and I saw it was full of questions. Tinigasan ko naman ang tingin sa kanya. And right then, I knew it was about time to give him the talk he was asking for.

-=-=-=-=-=-

"How are you?"

Tiningnan ko si Miles. That wasn't what I was expecting for him to tell me. Nandito kami ngayon sa likuran ng classroom. Maaga ng isang oras kaming dinismiss ng professor kaya kinuha ko na ang pagkakataon para makausap siya. Agad ko siyang sinabihan at 'yan nga ay pumayag siya. Kami na lang dalawa ang naiwan sa loob dahil ang mga iba'y nag early lunch break na.

Inulit ko ang tanong niya sa isipan. Kumusta ako? Gusto kong isagot ang totoong estado ko—na hindi ako okay, na tuliro ako kakaisip kung sino ang naglagay ng note sa locker ko, na natatakot ako sa gagawing pagtatapat kay Slade, na hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako sa nangyari sa bar—pero, pinili kong manahimik. Alam ko naman kasing hindi niya rin ako matutulungan. Kung may dapat mang umayos ng gulong pinasukan ko, ako 'yun.

"Anong gusto mong pag-usapan?" I went directly to the point. Wala ng dahilan para pahabain pa ang usapang ito. Halatang nabasa niya ang balak ko, tinitigan niya muna ako saka siya napabuntong-hininga.

"About last Saturday..." he trailed off. I winced, of course, he wanted to talk about that. "You ran and I was just think—"

"No need to think about it, Miles," I cut him off. "Lets just forget all what happened and never talk about it again."

"What?" tila hindi makapaniwala niyang tanong. "You can't just ask me to do that, CN when every night that's all I can think about." I grimaced. Hindi niya nga talaga papakawalan ang usapan na 'to. "And no, it's not just about what happened between us. It's you. Kung anong lagay mo nang maabutan kita sa bar. 'Yun ang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko, kung gaano ka n'un kamiserable. At dahil 'yun kay Slade. Tama ako, di ba?"

Hindi ako sumagot. Tahimik lang na nakatingin sa kanya. Medyo nagulat sa narinig, ang buong akala ko kasi ang 'yung nangyari sa amin ang gusto niyang pag-usapan. Hindi ko lang naisip na tungkol pala sa akin, sa amin ni Slade.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now