fifty-two

21.4K 462 37
                                    

Fifty-Two: Be Your Nerd

"'Yan lang ba ang kaya mo?" hamon ko kay Slade nang maabutan siya. He instantly looked at my way and grinned, amusement  was clear in his eyes. Alam kong hindi niya inaasahang maabutan ko siya.

I gave him a playful grin before sprinting, leaving a huge distance between us. As I ran, I felt the cold wind embracing me. It felt liberating. Ganito talaga ang nararamdaman ko sa tuwing tumatakbo. Now, I regret I stopped doing this just because of what Jasper did to me. Na nung nawala siya ay hininto ko na rin ang paggawa sa mga bagay na ginagawa naming magkasama.

Mabuti na lang at nabanggit ni Slade kagabi na nag-uumpisa na siyang mag-jogging. Nakuha agad nito ang interes ko at hindi ko nga namalayan, nagsabi na ako sa kanya na gusto kong sumama. Which he instantly agreed into.

Kaya naman kaninang madaling-araw ay hindi na ako nagulat nang may marinig na kumakatok. When I opened the door, I saw Slade all ready for a jog. He looked down at me also. At kitang-kita ko ang pagkasorpresa sa mukha niya. Hindi niya inaasahang nakapagbihis na rin ako. I just smirked at his way, closed the my unit's door and dragged him to the elevator.

Dinala ako ni Slade sa park malapit sa Montereal Place. At hindi ko alam na may ganito pala dito. Doon lang kasi ako palagi sa kabilang side napapadaan—sa daan papuntang school at mall.

When we got here, we wasted no time and started some stretching routines. Pagkatapos noon ay tumakbo na kami. Noong una, sabay pa kaming tumatakbo hanggang sa nanghamon si Slade.

We made an agreement—pabilisan kaming maabot yung kabilang side ng park kung nasaan ang estatwa ni Dr. Jose Rizal. Kapag nanalo siya, gagawin ko anumang gustuhin niya at vice versa.

He was so confident that he could win this he even gave me a thirty-second-advantage. Pinauna niya 'kong tumakbo. And I did but knowing Slade, he wouldn't let me win. Gaya nga nang naisip ko, naabutan niya ako at madaling nalampasan.

Nang malayo na siya sa akin ay nilingon niya ako at ngumisi nang pagkaloko-loko. Napailing lang ako. nang ibalik na niya ang tingin sa daan ay doon naman ako lihim na napangiti. Akala niya tapos na ang labang 'to? Pwes, nagkakamali siya. Dahil hindi ko pa nailalabas ang tunay na kakayahan sa pagtakbo.

Sadya 'yung kanina. That was not my maximum speed. Tinetest ko lang si Slade, gusto kong malaman ang totoong bilis niya at ngayon ngang alam ko na, oras na para seryosohin ko ito. My only goal: to beat the bad boy.

At ngayon nga ay malapit nang mangyari iyon. I smiled big as I saw the monument. Ilang metro na lang. Hindi ko man maramdaman ang presensya ni Slade sa malapit, mas lalo ko pang binilisan. Mahirap na baka nandyan na ang mokong. Tuso rin kung lumaban 'yun e.

Nakahinga na lang ako nang maluwag nang maabot ko na ang estatwa at wala pa ring Slade na sumunod sa akin. I won.

Huminga ako nang malalim. Ilang beses bago narinig ang tunog ng mga yabag sa likuran ko. Twenty seconds. I was earlier than him by twenty seconds. Not bad.

Bago ko pa siya malingon, naunahan na niya ako, lumapit siya sa likuran ko at nilapatan ng halik ang itaas ng balikat ko, ang balat na kita sa criss-cross kong pang itaas. I instantly grimaced as I faced him. Ginawa niya ba talaga 'yun?

"Slade, you can't really help yourself, can you? Basa kaya ako ng pawis."

Nagkibit-balikat siya. "So what?"

I gaped at him. "Anong so what? That was gross."

Umiling siya. "Nothing about you is gross, Celestine. And trust me, even if you're covered with mud, I'll still kiss you."

I shook my head at him curtly. Honestly, I found that sweet—sweet in Slade's kind of way—but still, I couldn't let him know that.

"Anyway, congrats!" he said with a small smile. Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang natalo ko siya. "You didn't tell me, you can run."

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now