forty-nine

15.7K 425 60
                                    

Forty-Nine: Witch

"It's not like what it looks like," I tried to reason out, my voice wasn't as firm as I wanted it to be. Paano, sa loob ko ay puno ako ng kaba.

At doon ay nagpakawala si Slade ng isang marahas na tawa, ang mga mata'y matalim pa ring nakatingin sa akin. "Right," he blurted out harshly. "And what is it exactly, Celestine? That you two were just kissing and hugging for nothing? Kailan pa? Kailan mo pang pinagsasabay kaming dalawa?"

I winced at his choice of words. Talaga bang itinanong sa akin ni Slade 'yun? Gan'un ba talaga ang iniisip niya sa akin ngayon?

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" Hindi ko na makayanan pang hindi itanong. Nasasaktan ako. I just never thought he would think of me that way.

Tinitigan niya ako, hindi agad sumagot. Hindi ko masabi kung tinitimbang ba kung ano ang sasabihin. Pero nang ibuka na niya ang bibig ay hiniling kong sana hindi na niya ginawa, dahil nilaliman niya lang ang tarak ng kutsilyo sa puso ko dahil sa mga salita niya. "Bakit? Hindi ba?"

My jaw dropped and I didn't care if it even would hit the floor. Hindi ko lang talaga inaasahan na iyon ang isasagot niya. Gusto kong isipin na nasasaktan siya kaya nasabi niya 'yun, na hindi naman niya alam ang totoong nangyari; at mayroong bahagi sa isipan ko na nagsasabing kailangan niyang malaman 'yun. At baka pag nangyari 'yun ay baka sakaling matauhan siya.

Pero mayroon ding banda na sinasabing tigilan ko na ito, na kahit na anong gawin ko ay hindi makikinig si Slade sa estadong mayroon siya ngayon.

Pinag-isipan ko iyon, kung anong dapat na gawing desisyon. At hindi ko alam kung sadyang tanga lang ba ako pero pinili ko ang una. Ang manatili dito, ang ipaliwanag kay Slade ang lahat kahit pa malaki ang posibilidad na hindi niya ako pakinggan.

"No. Hindi ako gan'un," sa wakas ay sagot ko sa tanong niya kanina. Itinaas ko ang noo, iniisip na mapapawi n'un ang hiyang naramdaman ko sa mga salitang binitiwan niya. "And it's a shame you even thought of me that way," I paused, reliving what happened that night. I was going to tell him, and I didn't care if he would believe it or not.  "That was when Hanzel got into an accident and we had this little argument at the hospital. I was hurt and I wanted to forget that's why I went to the bar. I didn't know Miles was there, I swear. Nagulat na lang ako nang makita ko siya. He asked for a company and I agreed then—"

"Then you kissed him," he said, cutting me off.

He kissed me. Gusto kong itama ang sinabi niya pero hindi na ako nakapagsalita pa. Nanatili lang akong nakatingin kay Slade habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"For what? Because I hurt you? Because you wanted to get back at me? Was that your plan?" His eyes turned even colder. "Well then, good job. You've got what you wanted. I am hurting now, Celestine. So fυcking hurt."

I am hurting, too. Once again, I didn't voice that out. Tiningnan ko lang siya at alam kong ilang sandali mula ngayon ay tutulo na ang mga luha mula sa aking mga mata. At doon, napagtanto ko na wala ring silbi kahit pa ipaliwanag ko ang lahat. Slade already made a decision to close his mind for this matter. Paniniwalaan niya ang nais niyang paniwalaan. Kahit gaano pa ako magpaliwanag ay wala ring mangyayari. Kaya sinabi ko na lang ang mga salitang kailangang niyang marinig. "I'm sorry."

Iniling niya lang ang ulo doon. And I knew by that, he didn't accept it. I was not forgiven.

At sa mga oras na 'yun, gusto kong ipaalala ang sinabi niya sa akin. Na kahit anupaman ang gawin ko, mapapatawad niya ako.

'But if you do, of course, I'd forgive you,' those were his exact words. At nakaukit iyon sa isipan ko. Pero bakit ngayon tila hindi iyon ang nangyayari?

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now