twelve

32.2K 763 56
                                    

Twelve: Stay Close

Pagkatapos padaanan ng tingin ang damit na nakahanger, initsa ko na ito sa kama at kumuha ulit ng panibagong damit sa cabinet. Nahihirapan akong pumili ng damit na isusuot at hindi ko alam kung bakit.

The last time I had this kind of problem was when I was a junior in high school, for our JS prom. Nahirapan akong mamili ng kung anong isusuot na gown noon. Pero given naman yun dahil importanteng event ang JS prom.

Pero ngayon, hindi naman importante ang event na pupuntahan ko. I wasn't even going to school dahil wala naman akong pasok ngayon. Actually, Wednesday is my rest day from school aside from weekend. Pero, imbes na magpahinga, kailangan kong lumabas dahil ito na ang unang araw ng paggawa ng project para sa Philippine History.

Yes, that's right. I am going out to do the project and of course, with my partner, Slade.

Nagkataon din kasing vacant day niya ngayon kaya napagkasunduan namin na ngayon na lang puntahan yung first historical site.

Bumalik na naman ang atensyon ko sa damit. It was a white shirt tapos may nakaprint na 'be simple' sa gitna in pink ink. I smiled. At parang pinagsasabihan pa ako ng damit. Hay. Bakit ba nag-iisip ako masyado ng isusuot? Pupunta lang ako ng Luneta Park para gumawa ng project.

Nakita ko ang yellow na pants sa ibabang parte ng cabinet. Hinablot ko ito at dumiretso na sa en suite para magpalit.

When I was already dressed, I put up my hair into a messy bun. At nang makita kong okay na ang lahat, lumabas na ako ng banyo at chineck ang laman ng sling bag. Nasa loob naman lahat ng kailangan ko—paper, pen, camera, and my purse. Alright, I'm ready to go. Pagkasuot ng bag, kinuha ko ang susi at cellphone ko sa sidetable at lumabas na ng kwarto.

At tamang-tama namang pagsara ko ng pinto ay ang pagbukas ng pintuan ng magaling kong kapitbahay. The first thing I saw was his converse then his long lean legs, his usual black shirt and lastly, his face that was now wearing his typical smirk.

He gave me a once-over then turned to lock his door. Pagkatapos, humarap ulit siya sa akin. "We could bring my car, you know."

I sighed. Ipipilit na naman niya 'to? Napag-usapan na namin ito kagabi—na magcommute na lang papunta ng Luneta Park. Nang sa ganun, hindi na kami mahihirapan pang maghanap ng parking space para sa sasakyan niya. Isa pa, para hindi na rin takaw-pansin. Kasi naman, kahit sino magtataka kung anong ginagawa ng isang BMW sports car sa ganoong lugar. Mas bagay kasi ang sasakyan niya sa mamahaling lugar at hindi sa isang public place.

Inikutan ko siya ng mata. "Magkocommute tayo," sabi ko. "And that's final. Mas mabilis din pag ganun, dalawang tren lang ang sasakyan natin."

He just shrugged then ran his fingers through his hair. Tapos, naglakad na siya papuntang elevator.

Sumunod naman ako sa kanya. if I know, ayaw niya lang talagang magcommute. Sigurado kasi ako na hindi pa siya nakakasakay ng public vehicle. Hmp. Rich kid kasi.

Bumukas na din ang elevator at pumasok kami sa loob. Si Slade na ang nagpindot ng button samantalang pumirmi naman ako sa dulong bahagi ng elevator, malayo sa kanya at napuno ng nakakabinging katahimikan ang apat na sulok ng silid na ito.

Medyo parang nagulat pa nga ako nang biglang tumunog ang elevator at bumukas ito. Nang lumabas na si Slade ay sumunod na lang ako.

Nang malapit na naming marating ang lobby, bumagal ang paghakbang niya kaya nagawa kong humabol. Medyo magkatapat na kami. Agad na bumati ang mga empleyadong nandoon. Tumango lang si Slade.

Pero nang ako na ang dumaan sa tapat ng reception area, sigurado ako, nakita ko yung ateng receptionist na nakasagutan ko noon na inirapan ako. I just remained indifferent.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now