fifty

18.2K 543 76
                                    

Fifty: Complicated

"What? You think it's Lyra?" tanong ni Kimberly sa kabilang linya. Kakarating ko lang sa bahay at agad kong tinawagan siya para ikuwento ang nangyari kanina.

"Well, I heard her call me witch," I reasoned out.

Hindi kaagad siya sumagot, ang mahinahon niya lang na paghinga ang naririnig ko hanggang sa magsalita siyang muli. "Pero, CN, hindi 'yun sapat na dahilan. Ibig kong sabihin hindi porket tinatawag kang witch ng note sender at ni Lyra, hindi natin pwedeng i-conclude na iisa nga sila. Paano kung nagkataon lang?"

Pinag-isipan ko ang sinabi niya. She was right. The note sender might not be Lyra. Pero, kung ganoon, parang sobra namang coincidence? I knew she and her friends didn't like me. Napatunayan ko na iyon sa unang beses na nahuli ko silang pinag-uusapan ako. But, Kimberly really had a point. Mali pa rin na sa kaklase ko iakusa agad ang tungkol doon.

"Tama ka," sa wakas ay naisagot ko na. "Pasensya na, masyado lang siguro akong nagulat nang marinig 'yun kanina kaya naisip ko na baka siya nga."

"Pero hindi rin naman ibig sabihin na tatanggalin mo na siya sa list mo ng maaring suspect. Just give her the benefit of the doubt."

"Yeah, that's what I am planning to do," sagot ko. "Salamat, Kimberly ha. For listening. For the advice."

"Wala 'yun," agad niyang sagot. "At isa ano pa't naging kaibigan kita? Basta kung kailangan mo lang ng tulong ko, nandito lang ako. Kahit pasundan mo pa 'yang si Lyra para malaman lang natin kung siya nga ang sender mo, gagawin ko."

Natawa ako doon. It was like her gift. Ang pagiging masiyahin, kaya pati ako nadadala.

"Seryoso ako," dugtong pa niya pagkatapos ay sumeryoso na ang tono ng boses niya. "Para na rin maayos na 'yang problema niyo ni Slade. Gusto na kitang makitang masaya ulit."

I was touched at that. And right now, I felt so thankful that I made the right decision of keeping her in my life. At ganoon na din sa hindi niya pagsuko sa akin. Na kahit noong una ay medyo hindi ganoon kaganda ang ipinakita ko kay Kimberly, nanatili pa rin siya, pinatunayan ang kanyang sarili at ngayon nga ay hindi ako iniiwan sa gitna ng problema.

So I said it again. "Thank you."

Tumawa siya. "Uulitin ko ulit, wala 'yun. O siya, CN, kailangan ko nang magpaalam ha, papasok na kasi ako sa work. See you on Thursday."

"Yeah, see you. Bye."

Nang ibaba na ni Kimberly ang telepono ay tuluyan na akong bumagsak sa kama. I stared at the ceiling. Inisip ang ginawa ko. Sabi ko kanina, hindi ako mandadamay ng iba dito. Na mag-isa kong sosolusyunan ito. Pero hindi ko na naman 'yun natupad.

I groaned. Kanina kasi, pakiramdam ko ay kailangan kong i-share 'yung nalaman ko at si Kimberly ang unang pumasok sa isipan ko. At hindi ko na lang namalayan na dini-dial ko na ang number niya at sinagot na niya ito.

It felt good, though, knowing someone was willing to help you. 'Yun nga lang, hindi pa rin maalis sa isipan ko na binibigyan ko siya ng dagdag bagahe. Dinadamay ko siya sa problema ko.

I blew out a breath. Sana talaga ay malaman ko na kung sino 'yung mystery sender na 'yun. Napunta na naman ang isipan ko sa nangyari sa CR kanina. Nang marinig ang sinabi ni Lyra, inisip ko na talagang lumabas doon at komprontahin siya. Pero, natigilan ako. Wala akong sapat na pruweba. At iyon ang kakailanganin ko.

-=-=-=-=-=-

Kinaumagahan, hindi ko inaasahan na makitang may tawag ako mula kay Tita Lanie. Alam kong may mahalaga siyang kailangan sa akin kaya niya ako tinatawagan. Kilala ko si Tita, kung simpleng kumusta lang ay maaari naman niya akong i-text.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now