twenty-five

27.2K 667 91
                                    

Twenty-Five: Something About the Past

"Celestine," dinig kong tawag sa akin ni Jasper pero hindi ko siya pinansin. Mas lalo ko lang binilisan ang paglalakad sa hallway. Kailangan ko nang makarating sa gate. Takbo-lakad na ang ginawa ko makalayo lang sa kanya pero mas mahaba ang binti niya at sa ilang segundo ay naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa braso ko. Wala na akong nagawa kundi ang huminto at harapin siya.

"Ano?" asar kong tanong tapos pinanliitan siya ng mga mata.

He sighed. "Do we have a problem?"

"Wala. Wala tayong problema. Nakalimutan mo lang naman akong sunduin kanina," sagot ko at mas pinanliitan pa siya ng mata.

"Sorry. Nakalimutan kong sabihin na kailangan ni Chloe ng katulong magdala ng props para sa presentation namin."

Mas nadagdagan lang ang inis ko nang marining ang pangalan ni Chloe. Hindi ko nga alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Valid naman yung reason ni Jasper pero kasi naiirita talaga ako. Few weeks ago, nagsimulang kumalat sa section namin na balak pormahan ni Jasper si Chloe. At pagkatapos n'un, nagsimula na lang akong makaramdam ng kakaiba, lagi akong naiirita at makita ko lang na magkausap o magkatabi silang dalawa ay bigla-biglang umiinit ang dugo ko.

Inisip ko ring kumpirmahin ito kay Jasper pero hindi ko na nagawa dahil natatakot ako sa isasagot niya. Feeling ko kasi kapag sinabi niyang oo ay hindi ko kakayanin. At hindi ko na naman alam kung bakit.

Pero, kailangan kong malaman. Para matahimik na rin ang utak ko kakaisip. "Nililigawan mo ba si Chloe?" sa wakas ay naitanong ko rin.

Agad na nabalutan ng pagtataka ang mukha niya. "Ano?"

Hindi ako sumagot at patuloy lang siyang tiningnan. Nang makita niyang hindi ako sasagot ay nagsalita ulit siya. "No," sabi niya sabay iling. "Where did you get that?"

Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon. Sa halip, tinanong ko ulit siya, "Pero may balak kang ligawan siya?"

"Celestine, why are you asking that?" he asked, still wearing the same expression. Napailing ako, hindi niya sinagot ang tanong ko. Last year nung sophomores kami, naalala ko na ilang beses sa aking sinabi ni Jasper na nagagandahan siya kay Chloe. Kaya kung may balak man siyang pormahan ito ay hindi na ako magtataka pa.Pero hindi ko naman alam kung bakit nasasaktan ako sa bagay na iyon.

Unti-unti kong inalis ang kamay niya sa braso ko tapos sa huling beses ay tiningnan siya, "I want to be alone. Don't bother to come after me."

Hindi na siya nakasagot. Kinuha ko naman ang pagkakataong yun para talikuran siya at nagmadaling naglakad papalayo.

-=-=-=-=-=-

Tahimik akong nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang picture frame kung saan nakalagay ang larawang kuha noong 9th birthday ko. I was smiling in the picture. Actually, after Dad died, that was the first time I smiled again and it was because of the boy who was standing beside me. Si Jasper.

I could still remember the first time we met. Ayaw kong lumabas noon dahil ayaw ko naman talaga ng party. Ang mga grandparents ko lang ang nagpilit. Akala kasi nila napapasaya ako nito pero hindi nila alam na sa bawat party na dinaos para sa birthday ko pagkatapos mawala ng Dad, hindi ko na nagawa pang magsaya. Kaya nga, sa lahat ng picture ko ay lagi akong nakasimangot.

Tiningnan ko lang ng mga panahong iyon ang mga bata mula sa terrace ng kwarto habang masaya silang nanonood doon sa mga clowns na nagmamagic. Kanina pa ako pinapalabas ni Manang Seling—ang tagapag-alaga ko—para makihalubilo sa kanila pero panay lang ang tanggi ko.

Abala pa rin ako sa pagtingin sa kanila nang may batang lalaki na biglang sumulpot sa tabi ko. Ang una kong napansin ay ang mga ngipin niya—sira kasi ito. Kitang-kita ito dahil sa laki ng ngiti niya sa akin. Matagal niya kong tinitigan nang ganoong ayos. Nakanganga lang naman akong nakatingin sa kanya hanggang sa hindi ko na nakayanan pa at unti-unting natawa. Nakakatawa kasi yung mukha niya idagdag pa yung ngipin niya. Parang hindi naman siya nabahala sa ginawa ko at nagawa pa kong sabayan sa pagtawa.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now