thirty-one

25.5K 647 50
                                    

Thirty-One: The Unknown Feeling

Ipinagpatuloy ni Miles ang pagbibigay ng bulaklak at chocolates. Ganoon pa rin, puro assorted. At kapag ganyan pa rin siya sa mga susunod na araw, pwede na kong magtayo ng sariling tindahan ng chocolates. Nakakatanggap din ako ng daily messages mula sa kanya. There wasn't any romantic message just as he promised. Puro jokes lang na hindi naman nakakatawa kaya't agad ko ring binubura. I didn't tell him that though kaya patuloy lang siya sa pagsesend sa akin ng ganoon. Pero, sa mga nakalipas na araw, mas lalo ko rin siyang nakilala. And if there was one thing we have in common, that was our love for books.

Nabanggit niya nga rin na pinagawan siya ng Dad niya ng mini library sa bahay nila na libo na ang lamang mga libro. I was amazed and noticing my reaction, he instantly made a move to invite me in their house, which I declined. I just wasn't ready to go there. Tama na yung nameet ko yung family niya noong kailan.

Kung si Miles ay consistent sa ginagawa niya, wala naman akong narinig mula kay Slade. Ang huli naming naging pag-uusap ay yung gabi ng Lunes sa harap ng unit ko. That was it. After that, I didn't hear anything from him or even saw him.

Noong Tuesday pa nga ng gabi ay nagtext ako kung matutuloy kami sa huling historical site kinabukasan pero hindi siya nagtext back. I tried to call him, para icheck kung bukas ba ang cellphone niya at natanggap niya yung text ko. His phone was ringing but he didn't answer my call. Pagkatapos noon, hindi na lang ako umulit pa. Once was enough. It was loud and clear that he didn't want to talk to me.

Na hindi ko naman maintindihan kung bakit. Pasabi-sabi pa siya ng, 'Don't be with him' e wala naman siyang ginagawa. Hinahayaan niya lang si Miles na gawin ang kung anumang ginagawa nito. Tapos, pinili niya pang iwasan ako.

Lagi akong sumisilip doon sa unit niya kung aalis sa umaga at babalik sa hapon pero wala, laging ang nakasarang pinto lang ang nakikita ko. Inakala ko rin na magsasabay kami sa elevator pero hindi yun nangyari. And on Wednesday morning, I even woke up early so I could go to the rooftop thinking he would be there, but he wasn't.

Mukhang hindi siya tumuloy sa Montereal Place nitong mga nagdaang araw. At ang isiping doon siya umuuwi kay Keara o isa sa mga babae niya ay nakakapag-init ng dugo. Yun pa, isang bagay na hindi ko matanggap.

He said he likes me but it was obvious that he's still with his girls. Girls he used for fun, good time.

"CN, nakapagdecide ka na ba?" nahinto ako sa pag-iisip nang marinig ang boses ni Miles. Doon ko pa lang naalala na nasa classroom ako at kasalukuyan kaming naghihintay ng professor para first subject ngayong araw.

Last Tuesday, nasabi ni Miles na may recital si Vanessa this Saturday. May sobra siyang isang ticket kaya inaya niya kong sumama. Agad niyang nilinaw na hindi ito magiging date. Isa pa, nabanggit daw talaga ni Vanessa sa kanya na gusto akong makita ng pinsan niya.

I told him that day that I would think about it. Wala naman akong gagawin sa Sabado pwera na lang kung naisipan ng mag-text ni Slade at sabihing okay na sa kanya na puntahan na namin yung huling historical site. Lalo pa't midterms na next week, malabo na naming magawa yun.

Tiningnan ko na si Miles. Umiling ako. "Sorry, hindi pa eh."

Ngumiti lang siya. "Okay lang, you still have till Saturday morning to decide. Five pm naman yun mag-i-start e."

"Okay," tanging nasabi ko at ibinalik na sa ibabaw ng table ang tingin.

-=-=-=-=-=-

Nang matapos ang klase ngayong araw, nagdesisyon muna akong dumaan ng mall. Gusto ko lang magpalipas ng oras. Ang tagal na rin mula noong huling bisita ko sa mall. Isa pa, wala naman akong gagawin doon sa unit ko. Magmumukmok lang ako doon. Yun o di kaya iisipin na naman kung anong ginagawa ni Slade at kung anong nasa isip niya at bigla niya kong iniwasan.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now