twenty-one

27.5K 587 57
                                    

Twenty-One: Right Thing To Do

That night, I wasn't able to sleep. All things were forgotten aside from him. Slade.

He said he wouldn't bother me anymore, that he would stay away from me. Parang mas apektado pa nga siya sa nangyari kesa sa akin. At bakit ba sinisisi niya ang sarili niya? Hindi niya ba makita na hindi ko naman siya sinisisi?

Naalala ko yung mukha niya nung sabihin niyang saktan ko siya, na magalit ako sa kanya. He looked like he was in a deep pain and seemed like by doing what he said me would be the only thing that could take that pain away from him. He felt so sorry, so guilty. Mas dama ko pa nga yung paghingi niya ng tawad kesa doon sa nagtangka sa akin.

Then he kissed me. I could still feel his lips on my foreead. Ang totoo nga ay paulit-ulit ang eksenang yun sa isipan ko. Ewan ko ba. But that kiss meant only one thing—goodbye. Hindi niya na ako gagambalain pa. Iiwasan na niya ako. Lalayo na siya.

Huminga ako nang malalim. He was right, I hate him. And I should just stick on that—hating him.

Okay. Umpisa bukas, wala ng Slade sa buhay ko. I would be far from trouble. I would be far from danger.

That was the right thing to do, right? Isa pa, siya naman ang may ideya n'un e—na lumayo sa akin. Nakakatawa lang na hindi ko nga naisip gawin yung sinabi ni Miles na lumayo kay Slade pero ang huli na mismo ang nagpasya na layuan ako.

Tama, dapat lang talaga na wala kaming maging ugnayan sa isa't- isa kahit anupaman yun. Because peace and quiet could never be found in the company of a bad boy. Never.

Pero kung y'un nga ang tama, bakit may bahagi ng puso ko ang kontra?

-=-=-=-=-=-

Nang dumating ang Huwebes, pinilit kong umakto ng normal nang makarating ako sa school. At tuwing bumabalik sa isipan ang nangyari nung Lunes, pilit ko na lang itinataboy.

Narating ko ang classroom. Agad akong pumunta sa upuan ko at hindi pinansin ang tingin ng mga classmates ko. Pero hindi pa ako nakakaupo nang biglang tumayo si Miles mula sa desk nina Alfred at pumunta sa table namin.

"Hi," bati niya at nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya. "Okay ka na?"

Napunta ang tingin ko sa kanya. Ang una kong napansin ay ang band-aid niya sa kanang pisngi. Then I remembered I saw the same thing on Slade's face. Hindi kaya... Hindi kaya siya ang may gawa ng nasa pisngi ni Slade?

Posible. Posibleng nag-usap sila kaya nalaman ni Slade ang tungkol sa nangyari. Pero bakit kaya sila nag-away? Inalis ko na lang muna iyon sa isipan at inalala ang tanong ni Miles. Right, he was asking if I was okay. Tumango ako at nagpilit ng isang tipid na ngiti. "Yes."

Nang makita ko siyang tumango ay ibinaba ko ang bag sa upuan at umupo na rin.

Doon ulit nagsalita si Miles. "He was telling the truth," mahina niyang sabi.

"Huh?" nagtataka kong tanong sabay tingin sa kanya.

"Si Frank," sagot niya. Nagkunot ako ng noo, sino ang tinutukoy niya? When he saw my expression, he talked again. "I was talking about the guy last Monday, CN."

Natigilan ako at nagbaba ng tingin. So, Frank pala yung pangalan ng lalaki.

Nagpatuloy pa si Miles. "Galing siya sa isang prominenteng pamilya sa Laguna. His father is the ex-mayor at may bali-balita na nagbabalak tumakbo sa next election sa higher position."

Oh. Kaya naman pala grabe yung pagmamakaawa nung Frank na 'wag isumbong ang ginawa niya.

"Nagdrop-out na rin siya," dugtong pa ni Miles. "I know someone in the Registrar. Nagtanong ako tungkol sa kanya at nalaman ko na nagdrop-out na siya that very same day."

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now