seven pt 1

31.6K 763 18
                                    

Seven: Dealing With the Devil

I always loved going to classes. I never skipped one. Sa katotohanan, mabibilang lang sa isang kamay ang pagkakataong umabsent ako sa klase.

But now, it was a different story. All I wanted to do is to leave this classroom.

And it was all because of the devil sitting beside me.

Napabuntong-hininga na naman ako. Pagkatapos, sinubukang ifocus ang atensyon kay Mr. Tolentino na nagdidiscuss na sa harap.

Akala ko talaga, maitutulad din ang klaseng ito sa iba. Na pagkatapos kaming ibrief tungkol sa subject, papauwiin na din kami. But unfortunately, di yun ang nangyari. At balak pa 'atang tapusin ni Mr. Tolentino ang three-hour class. Ugh.

Maya-maya pa, may narinig akong nagtatap sa mesa. I tried to ignore it. Pero habang tumatagal, palakas lang ng palakas yung tunog.

I rolled my eyes. Pagkatapos pinihit ang ulo sa kanan at tiningnan ang seatmate ko. He was looking at our prof, parang sobrang interesado sa pakikinig. I snorted.

"Will you stop that?" I asked him quietly.

Napatingin naman siya sa akin. His lips instantly curled up into a smirk. Inangat niya ang kamay mula sa table at ipinatong na ito sa hita niya.

Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin at ibinalik na sa harap ang atensyon.

After exactly an hour, naisipan na din ni Mr. Tolentino na tapusin ang klase. I let out a sigh of relief. Finally, makakauwi na din. But then, I remembered, kailangan ko pa palang makausap si Slade para sa project namin. Argh.

Inilagay ko na ang notebook sa bag at kakausapin na dapat si Slade nang makitang wala na siya sa upuan niya. Saan siya pumunta?

Napunta ang tingin ko sa harapan at nakitang palabas na siya ng pintuan. Ugh! Ang bilis naman niya!

Agad na akong tumayo at lumabas na din ng classroom. Nakita ko siyang naglakad papalapit sa hagdan.

"Slade! Sandali lang!" tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang huminto. Pero, kasabay din nun ang pagtingin ng iba kong kaklase sa aming dalawa. I just didn't mind them and walked toward him.

Tumabi siya sa hallway at sumandal sa pader malapit doon. He was looking at me lazily habang papalapit ako sa kanya.

"What? Miss me already?" he asked me teasingly nang makalapit na ako sa kinaroroonan niya.

Pinanliitan ko lang siya ng mata. "We need to talk about the project," sabi ko sa kanya, hindi na pinatulan pa ang sinabi niya kanina.

He scoffed. "We've got the whole semester to do that," he said seriously. Then his mischievous smirk was back again. "But if you can't really wait to do it with me, then we can talk about that, Celestine."

I huffed. I don't know if it's just me but there was something in the way he said the word 'it'. Like he wasn't talking about our project. Parang yung ibang 'it' yung tinutukoy niya. But that was just the second reason kung bakit nagsisimula na namang uminit ang dugo ko sa kanya. The first one was—my name—he called me Celestine, again.

Ugh. Wag mo siyang papatulan CN. Let it drop, let it—No, I can't.

"Will you stop calling me Celestine?" naiirita ko ng sabi sa kanya.

"Why not? Pangalan mo yun diba?"

I breathed deeply. "CN," I told him. "I prefer that than Celestine. No one calls me the latter, it irritates me," amin ko.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now