eight

31.4K 671 20
                                    

Eight: Seatmate is No Longer Missing

Panay ang hikab ko nang makapasok sa classroom kinaumagahan. Sobrang kulang ako sa tulog. Not because my devil of a neighbor did something horrible, again. That was not the case.

Ang totoo, hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa gym. His face. The words he said. I detested his attitude—how he could just make preconceptions about me. Then he said he hates me, too.

I couldn't help but smile at that. At least, may isa siyang bagay na magandang sinabi.

Yes, it was such a joy hearing that from him—he hates me. And for all I know, he could hate me forever and I'd be the happiest person alive.

Tiningnan ko ang phone ko, may twenty minutes pa bago mag-umpisa ang klase. Maybe I could take a nap para mabawasan ang antok ko.

Nilakasan ko ang volume ng iPod at pinagkrus na ang dalawang kamay sa ibabaw ng table, pagkatapos dahan-dahan akong tumungo at ipinatong ang ulo dito at saka tuluyan ng pumikit.

May bagay na nakapatong sa balikat ko. Yun ang una kong naramdaman. Then, I felt someone's shaking me. I groaned. Then, slowly opened my eyes.

Ang una kong nakita ay may mukha sa ibabaw ko, hindi ko maaninag ang itsura niya dahil sa liwanag. Pinikit ko muna ang mga mata at kinusot ito. Tapos, iminulat itong muli at tiningnan siya.

And I was frozen. His eyes. His smile. He looked a lot like him—someone from my past.

Gulat ko pa din siyang tinititigan nang makita kong bumuka ang bibig niya. I didn't hear what he said, though. Masyadong nakafocus ang attention ko sa mukha niya. Tapos naalala ko yung iPod ko, agad ko itong kinuha sa bulsa ng pants para ioff. Inalis ko ang earphones sa tenga at tumingin ulit sa kanya.

"Huh?" tanong ko sa kanya.

He smiled sheepishly. "Maybe you want to sit up straight, kanina pa dumating si Ms. Isla."

At parang kidlat, agad akong umupo ng maayos sa upuan. Napunta ang tingin ko sa harap at nakahinga ng maluwag nang makitang kausap ni Ms. Isla ang secretary ng klase, parang may ibinibilin ito sa kanya.

"Don't worry, hindi pa nag-attendance at di niya nakitang natutulog ka," dinig kong mahinang sabi ng katabi ko.

Napunta ang mga mata ko sa kanya. Sino ba siya? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita? Another irregular? Pero bakit dito siya sa tabi ko umupo? Di niya ba alam na may seating arrangement sa klaseng ito?

I was about to ask him what was he doing sitting right beside me when I saw him held out his hand.

"I'm Miles," pakilala niya. "And you are?"

Miles? What? Yung seatmate kong absent last week? Akala ko babae siya. Lahat kasi ng kilala kong Miles ay babae. Well, I was wrong.

I looked at his hand, it was still held out for me. Then, I remembered he was asking for my name.

Tentatively, I put my hand on his. "CN," sagot ko at shinake ang kamay niya pagkatapos agad din itong binawi.

"Nice name," sabi niya at ngumiti. And the awkward feeling was back again. Bakit ba sobrang kamukha niya siya?

Nagpilit lang ako ng isang tipid na ngiti at tumingin na sa harap.

"Um..." Dinig kong sabi niya pero natigilan nang biglang magsalita ang professor namin, nagsimula na kasi ang huli na magtawag ng pangalan para sa attendance.

Nakahinga ako ng maluwag. At sa pangalawang pagkakataon, gusto ko na lang matapos ang klaseng ito at umuwi.

-=-=-=-=-=-

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now