fifteen

29.2K 606 18
                                    

Fifteen: The Sweet Escape

Binuksan ko ang mata tapos ipinikit itong muli. Binuksan. Ipinikit. Binuksan.

Fudgee barr.

Napatingin ako sa relo, malapit ng mag-ala-una. Malapit na ang klase ko sa Philippine History at nandito pa din ako sa bagong tambayan ko ngayong araw—ang girl's comfort room.

Pagkatapos kasi ng klase ko kaninang umaga, agad na akong dumiretso dito at dito nga naisip na palipasin ang buong breaktime.

Ang totoo, wala naman akong problema kay Miles. Pagkatapos ng sinabi ko sa kanya kahapon, hindi na niya ako ginambala pa. He didn't even spare me a glance while we were inside the classroom. At nang dumating ang breaktime, siya na mismo ang lumapit sa grupo nina Alfred at nag-aya sa mga itong maglunch.

Ang dahilan talaga kung bakit ako nandito ay dahil wala na akong mapuntahan. That tree in the park was no longer my favorite. May nakainvade na kasi ng lugar na yun.

At alam kong hindi na kapayapaan ang matatagpuan ko kapag pumunta ako doon. Going there would just cause me to think of him or worse I'd see him there which was the last thing I wanted to happen.

Okay, there I said it. The real reason was Slade. And it wasn't because I was afraid of him or anything. I just don't trust myself around him.

See, maging sarili ko, hindi ko na makapagkatiwalaan.

Ewan. Kapag malapit kasi siya, hindi ako nakakapag-isip ng maayos at basta-basta na lang akong may nasasabi.

I let out a pathetic laugh as I stared around the cubicle. This had to stop.

Get it together, CN. You need to get it together.

I glanced at my watch, again. Five minutes na lang bago mag-one o'clock. Okay. I needed to be out of here.

-=-=-=-=-=-

Nang makarating ako ng classroom, nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala pang tao sa table namin. He wasn't here yet. Pero agad din yung nabura nang makita ko kung sino ang nakaupo sa may table sa likuran, katapat lang mismo ng pwesto ni Slade—si Miles. He was reading something on his phone habang yung katabi naman niyang lalaki na hindi ko alam ang pangalan ay natutulog.

Nag-angat ng tingin si Miles at doon na ako umiwas. Huminga ako nang malalim at naglakad na papunta sa upuan ko. Bakit sa dinami-rami ng pwesto, bakit diyan pa siya sa likod napunta? Life does really hate me.

I was sitting stiffly on my seat when the classroom door opened. At kitang-kita ko kung paanong huminto ang lahat sa anumang ginagawa nang pumasok si Slade sa loob. I just rolled my eyes.

The first thing I noticed was his choice of clothes for today—it wasn't black like what he usually wore. Instead, it was white this time. Napapadalas na 'ata ang di niya pagsusuot ng black ah.

Dumiretso naman si Slade sa table namin. Pero bago siya tuluyang umupo, nakita ko pa siyang may tiningnan sa likod. Si Miles. Of course they knew each other. Nabanggit naman na sa'kin ni Miles na kaibigan daw ni Slade ang kapatid niya.

But as I looked at Slade and see the way he looked at Miles. Parang may kakaiba. Ewan. Iniwas ko na lang ang tingin at inalis na yun sa isipan. It wasn't my business to mind.

Maya-maya pa, umupo na din si Slade sa tabi ko.

"I thought I'd see you there again," narinig kong sabi niya at alam kong ang tinutukoy niya ay ang park sa likod ng building.

Hindi ako sumagot. Hindi ko din siya tiningnan. But I could feel his eyes on me.

I tried to ignore it at nagconcentrate na lamang sa pagtingin sa white board sa harap. Bakit ba ang tagal ni Mr. Tolentino?

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now