two

45.3K 881 58
                                    

Two: The Unexpected Neighbor

Napaungol ako nang marinig ang ringtone ko. Nakapikit pa rin, inabot ko ang cellphone sa bedside table at sinagot ang tawag. "Hello."

Tawa ang isinagot ng nasa kabilang linya. At base sa boses niya, alam ko na kung sino ito.

"Morning sleepyhead. Napasarap 'ata ang tulog mo ah."

I groaned again, this time mentally. Hay. Malayo sa katotohanan ang sinasabi ni Mama. Napakalayo.

Wala pa akong tulog. Okay, siguro meron pero kakaunti pa lang. At kasalanan ito ng malandi kong kapitbahay eh. Magdala ba naman daw ng lalaki dyan sa kwarto niya.

"Bakit napatawag ka, Ma?" tanong ko, hindi na nagcomment pa sa sinabi niya kanina. Tuluyan na akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama.

"Papaalala ko lang yung schedule mo. Diba ngayon pinababalikan yun?"

Ay oo nga pala! "Yes Ma. Pwede naman po kunin yun anytime this day."

"Okay. Ayusin mo muna yang mga gamit mo bago ka pumunta ng University. And sa labas ka na maglunch. Medyo late na kung magluluto ka pa."

Anong oras na ba? Inilayo ko saglit ang phone sa tenga at tiningnan ang oras, 11.05am. Alas-onse na pala.

"Okay po."

"Okay, so just see you next Saturday. And good luck to your first day on Monday! Have fun!"

I smiled. "Opo. Salamat. Sige po, mag-aayos na 'ko. Bye."

Pagkatapos ko siyang marinig na sumagot, binaba ko na ang phone at hinawakan ang magkabilang side ng ulo.

Argh. Ang sakit talaga. Pasado alas-sais na 'ata ako nakatulog kaninang umaga. I cringed, remembering the sounds I've heard. Grabe, kahit anong paraan na ginawa ko para di marinig yun, wala pa rin. Hindi napigilan ng bulak, maging yung earphones ko yung lakas ng boses ng kapitbahay ko. Promise, kanina, gusto ko na talaga silang katukin sa kabila pero nag-alinlangan ako. Baka lumabas akong eskandalosa. Pero naisip ko din, mas scandalous nga yung ginawa niya.

Hay hindi pwedeng ganyan. Kakausapin ko siya at kung hindi siya madadaan sa matinong usapan, ewan ko na lang, mapipilitan akong gumamit ng dahas. Joke, di naman ako ganung tao. Basta, pipilitin ko ang malanding babaeng yun na tigilan na ang kalandian niya dahil nakakaperwisyo na siya. Sobra.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Makakapaghintay ang mga gamit ko, ang aayusin ko muna ay ang maingay at malandi kong kapitbahay.

-=-=-=-=-=-


Ding dong!

Pangsampung beses ko nang pinindot ang doorbell pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Tulog pa kaya ang babaeng yun? O baka naman lumabas at naglunch? Balikan ko na lang kaya siya mamaya?

Hindi. Pasensya pa CN. Baka nagtutulog-tulugan lang o di kaya nagtatamad-tamaran at nagpapakasarap humiga ng kama at di makatayo. Baka sobrang napagod sa... Ugh. Stop right there, CN. Don't even think of that three-letter nasty word.

Huminga ako ng malalim at padoorbell na sana ulit nang sakto namang bumukas ang pinto.

At nagising din ang malanding bruha.

"Good mor—"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang makitang hindi ang kapitbahay ko ang nasa harapan ko ngayon kundi isang lalaki. He looked around my age or maybe, a little older but I must admit that he looked good. And might I add, he's hot. As in really hot.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now