thirty-six

21.4K 806 94
                                    

Thirty-Six: Like The Way

Hindi ako mapakali habang nasa loob ng taxi, papunta sa ospital na sinabi ni Tyler. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko siya nakikita. Ano bang nangyari sa kanya?

Napatingin ako sa labas at nakita na bumabagal na ang andar ng sasakyan. Paano, parami na nang parami ang mga sasakyan at sumisikip na ang daloy ng traffic. Napabuntong-hininga ako sabay nang pag-alala sa naging pag-uusap namin ni Tyler kanina.

"Trouble?" ulit ko, unti-unti na rin akong binalutan ng kaba. "What do you mean he's in trouble?"

Narinig kong napabuntong-hininga si Tyler. "Tumawag yung kaibigan namin kanina, one of our friends got into a car accident," huminto siya. At mas bumilis naman ang tibok ng puso ko. Parang alam ko na kung saan ito papunta. I wanted to ask though. Gusto kong malaman kung anong kinalaman ni Slade sa nangyaring aksidente. Gagawin ko na dapat yun nang magsalita ulit si Tyler. "At parang kasama yata niya si Slade sa sasakyan."

Napatutop ako. Oh no. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Basta, nagdagsaan na lang ang kaba, takot, pagkabahala sa akin. Halo-halo. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin kay Tyler. Pero hindi ko na lang namalayan na binabato ko na pala siya nang kung anu-anong tanong. "What? How is he? Anong nangyari? Kumusta ang lagay niya? Is he okay or—"

"Hindi ko alam," malakas na sagot ni Tyler sa kabilang linya. "Hindi ko pa rin sigurado kung nandoon nga siya. Pero, sabi mo hindi siya pumasok kaya...posible. Hindi ko talaga alam," tumigil na naman siya. Halata ko na rin ang pag-aalala sa boses niya. "Sandali lang CN, may tawag ako galing sa kaibigan namin. Baka balita tungkol sa aksidente."

"Okay," medyo nanghihina na rin ang boses ko. "Sabihan mo agad ako kung anuman ang nangyari."

I heard Tyler anwered then he disconnected the call. Nilapag ko naman ang cell phone sa table sa harapan ko. Doon ko pa lang napansin na nanginginig ang mga kamay ko. Then, I silently prayed. Hoping that Tyler's assumption was wrong. Na nasa unit lang niya si Slade. That he wasn't in that car with whoever their friend is.

Hindi pa nakakalampas ang isang minuto nang tumunog ulit ang cell phone ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay, inabot ko ito at mas lalong nadagdagan ang kaba at takot na naramdaman nang makita ang pangalan ni Tyler. Huminga ako nang malalim at sinagot ang tawag niya. "Anong balita?"

I heard him breath deeply. And in that simple gesture, I already sensed what was coming. And it was far from good. At nakumpirma ko yun nang magsalita siya. Pero mas ikabibigla ko pa pala ang mga susunod niyang sasabihin. "Slade's with him, CN. Naisugod na sila sa ospital at nasa emergency room siya ngayon. Malubha ang lagay niya."

Napapikit ako at sinabi na naman ang dasal na kanina ko pa pinapaulit-ulit sa isip. Lord, please let him be okay. Save him, please. Save him. Ang importante ngayon ay ang kaligtasan ni Slade. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya. I juts wanted to see him okay. Breathing. Far from danger. And I was hoping that God would really hear me.

Halos magkakahalating oras pa ako sa byahe nang sa wakas ay narating na namin ang ospital. Agad naman akong tinext ni Tyler kung nasaan siya naghihintay ngayon. Agad na akong dumiretso doon matapos macheck ng security. Ayon sa text niya kanina, halos mag-iisang oras ng nandoon sa emergency room si Slade at wala pang nakukuhang balita mula sa mga doktor na nagsasagawa ng operasyon. Bago pa ako makarating doon ay nakita ko na si Tyler na nakasandal sa pader malapit dito, ang dalawang palad ay nakalagay sa mukha. Hindi ko matukoy kung nagdadasal o ano.

Naglakad ako nang mabilis at tinapik siya sa balikat nang marating ang pwesto niya. Agad niyang inalis ang mga kamay sa mukha at inangat ang ulo. Namumula ang mga mata niya. Halatang galing sa pag-iyak. And I felt bad even more.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now