twenty-two

24.2K 663 48
                                    

Twenty-Two: Your Number

Hindi ako mapakali sa upuan nang dumating ang Biyernes ng hapon. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase sa Philippine History. Ang totoo, lahat ay nasa kanya-kanyang upuan na maliban sa katabi ko. Sa pangalawang pagkakataon, bakante na naman ang upuan niya.

Alam ko, hindi siya umuwi sa Montereal Place kahapon dahil nang makarating ako doon ay may matandang babae na naghahanap sa kanya sa lobby pero ang sagot ng receptionist ay hindi pa siya umuuwi galing sa school. Iniisip ko tuloy kung saan niya dinala si Keara.

Naisip ko na naman ang nangyari kahapon at nandoon na naman yung sakit. Bakit ko ba kasi nararamdaman 'to? Bakit ba ako nasasaktan dahil sa inaasta niya? Dapat okay lang diba? Okay

lang na lumayo siya kasi y'un naman ang tama. Kasi y'un ang makakabuti para sa akin.

Pero...

Hay. Tama na nga. Wala lang 'to. Walang ibig sabihin ito. Wala.

Natapos ang ilang minuto at dumating na si Mr. Tolentino. Umasa ako na baka late lang si Slade pero natapos nang magcheck ng attendance, magdiscuss, at magbigay ng seatwork ang professor pero walang Slade na dumating.

"Sa next meeting natin, magrereport kayo sa klase tungkol sa mga historical sites na napuntahan niyo na. Nakapagstart na kayo siguro, diba?" tanong ni Mr. Tolentino sa buong klase. "I'll give each pair ten minutes to report. May bearing yung report sa magiging grade niyo sa project so galingan niyo. Okay, that's it. See you next week."

Napaungol ako nang makalabas na si Mr. Tolentino. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Paano namin pag-uusapan ang tungkol sa report kung ganito ang set-up namin? Hindi niya ako pinapansin kaya sigurado ako na hindi niya rin ako kakausapin. Hay. Kainis. Panibagong problema na naman.

Kinuha ko na ang gamit at naglakad papuntang pinto. Hindi pa ako nakakalabas nang narinig kong tawagin ako ni Miles. Magmula kahapon, hindi pa kami nag-uusap. Masyado lang awkward pagkatapos ng nangyari sa cafeteria. Hindi ko alam kung paano siya iaapproach. At mukhang ganoon din siya sa akin.

"Bakit?" tanong ko nang lingunin ko siya.

"Okay ba tayo?" tanong niya. "Ibig kong sabihin, pagkatapos ng nangyari kahapon?"

Tumango ako. "Wala naman tayong problema, Miles," sagot ko. Tanging ikaw lang kay Slade, sa isip ko na lang yun idinugtong.

"Talaga?" tila hindi niya makapaniwalang tanong.

Tumango akong muli. "Oo. Kung gusto mo, pwede kang sumabay sa amin ni Kimberly kumain ng lunch sa Monday. Yun, kung okay lang sayo at kina Alfred."

Napangiti na siya. "Oo naman," sagot niya. "I am already looking forward to it. Thank you, CN."

Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti. "So, just see you on Monday. Bye."

Pagkatapos sumagot ni Miles ay tuluyan na akong lumabas ng classroom.

Ang totoo, pagkatapos ng nangyari kahapon, nagdalawang-isip ako sa planong kaibiganin si Miles. Pero, naisip ko rin na kung anuman ang issue nila ni Slade, walang kinalaman yun sa akin. At hindi pa rin mababago ang katotohanang may utang na loob ako kay Miles. Isa pa, hindi siya sumuko sa akin. Kahit pa gaano kapangit ang pakikitungo ko sa kanya, hindi niya ako hinusgahan. Itinuring niya pa rin akong kaibigan. And this time, I would treat him the same. I'd try to.

-=-=-=-=-=-

Sabado ng hapon, pabalik-balik ako sa pinto ng unit ko at sa kama. Iniisip kung itutuloy ba ang plano. Nagdadalawang-isip talaga ako.

Pero madali lang naman 'yun diba?

Lalabas lang naman ako ng pinto, pupunta sa pintuan ng kapitbahay ko, magdodoorbell, at kakausapin siya. Pero kinakabahan kasi ako sa pwedeng mangyari. Paano kung hindi niya ako kausapin? Paano kung sungitan niya ako?

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now