thirty-three pt 1

20.2K 641 23
                                    

Thirty-Three: The Other Side

Ang una at huling beses na pumunta ako sa isang party ay noong nasa sophomore high school ako. It happened in one of my schoolmates' house. Wala lagi ang parents nito kaya naman laging pinagdarausan ng mga parties ang bahay nito.

Ang pagpunta ko doon ay hindi ko rin ginusto. Yung apo ng isa sa mga amiga ni Lola na schoolmate ko rin ang nagsama sa akin doon. Ang paalam niya kay Lola ay sa isang formal event ako dadalhin. At dahil akala ng grandparents ko na mabuting impluwensiya sa akin yung babae, agad akong pinayagan. Idagdag pa na close ng grandparents ko ang pamilya nito.

So I went with her. At nagulat na lang ako nang malaman kung saan niya ako dinala. What I witnessed in that party wasn't good. Doon ko nakita kung paano gamitin ng mga kabataan ang pansamantalang kalayaan na meron sila. They were so wild, even doing things that were so unimaginable.

I was just glad that I managed to get away from that party unscathed. Hindi ko na lang ipinaalam kina Lola ang nangyari. At nang sabihin niyang gusto ulit akong makasama nung babaeng shoolmate ko ay nagdahilan na lang ako. Ayaw ko nang pumunta pa ulit sa ganoon.

I shook my head unbelievingly as I stared at my reflection in the mirror. It was crazy that after experiencing that before, I was actually going to another one, now.

So, that was my decision. Ang party ni Tyler ang pinili ko.

It was Slade's text last night. Pagkatapos kong mabasa yun, ewan ko, mas nadagdagan lang ang kagustuhan kong makita siya.

And tonight, I wouldn't just go there and see him but, I'd party for real. I would show him that I wasn't that girl he thought I was. That too good girl. Masyado niya akong itinataas; inilalagay sa napakataas na pedestal kung saan walang sinuman ang maaaring makaabot.

It was now the time to prove him wrong, that I wasn't that girl who always did the right thing in her life. I've also got this side of me who knew what fun means. And tonight, I'd let that side of me out and have some fun.

Smiling, I glanced down at my outfit. It was a black fitted dress. Yung sleeves ay lagpas sa siko ko tapos yung haba naman ay tama lang na naabot ang itaas ng mga tuhod ko. Hindi mababa ang neckline at yung likuran naman ay nakakorteng 'v', tama lang bago maabot ang suot kong bra. This dress was the sexiest—well, atleast for me, it was—that I've got. Pero, alam ko naman na pagdating doon ay magmumukhang pangmadre itong suot ko kumpara sa mga makikitang suot ng mga babaeng nandoon. But, it was better than nothing. At least, I tried to wear something different for this event.

Umalis na ako sa harapan ng salamin at lumapit sa shoe rack, inabot ang itim na box ng sapatos at mula dito ay kinuha ang pares ng pulang stilettos. Napangiwi ako nang isinuot ito at sinubukang maglakad. This shoes would kill me, really.

Ilang hakbang pa paroo't parito at nasanay na rin ang paa ko. Kinuha ko na ang puting sling bag at inilagay dito ang purse, susi, cellphone at ang regalo ko kay Tyler.

It was time to go now and party.

-=-=-=-=-=-

Nang dumating ako ng 8ight, parang may nagsasabi sa akin na mali itong naging desisyon ko. That I should back out and go home. Pero, hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa bar. Pero nang nasa entrance pa lang ako ay may problema na agad na bumungad.

Nakatingin lang sa akin ang mga bouncers habang hinhintay akong sumagot. Hindi ko naman kasi alam na may secret code pala dito sa party ni Tyler para makapasok sa loob.

Nang wala pa rin akong maisagot ay nagsalita na ang mas matangkad sa kanilang dalawa, "Ma'am kung pwede po ay tumabi muna po kayo at paparating na po ang ibang bisita."

Bad for You (GU #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora