thirty-two

20.1K 624 55
                                    

Thirty-Two: The Choice

Pagkagising ko kinaumagahan, tatlong mensahe agad ang bumungad sa akin nang tingnan ko ang cellphone ko. Isa ay galing kay Mama kung saan sinabi niya na Tuesday niya na lang ako mabibisita kasabay ng pagpunta niya doon sa isang branch ng company nila dito sa Manila. Yung isa ay galing kay Miles, isang quote lang tungkol kung gaano kaganda ng umaga. At ang huli ay galing sa isang unknown number. Pero malakas na ang kutob ko kung sino ito.

Binuksan ko na ang message. 'I expect you tomorrow, okay? 8pm @ 8ight. -T'

T? Seriously? Hindi niya na lang binuo yung pangalan niya o di kaya hindi niya lang sana nilagyan ng ganun. Alam ko namang sa kanya galing yun e. Walang iba kundi kay Tyler.

Yesterday, after we ate our food, naisahan niya ako. Hiniram niya yung phone ko at sinabing may emergency daw na tatawagan. Naubusan daw siya ng load, blah blah blah. Then, the next thing I knew, he already got my number. Habang binibigyan ko siya ng nagtatakang tingin ay tinawanan niya lang ako pagkatapos ay sinabing, "Got your number!"

Nanlaki ang mga mata ko habang patuloy lang siya sa pagtawa. I was planning on how I could delete that on his phone when he talked again, "Birthday ko na sa Saturday. And since tinulungan mo akong pumili ng damit, you're invited."

Napanganga naman ako sa kanya. "What?"

Tumawa ulit siya. "No, nagbibiro lang ako tungkol sa damit. You're really invited. We're acquaintances already, right?"

Isinara ko ang bibig pero hindi pa rin sumasagot sa kanya.

"C'mon. Masaya yun. First time isasara yung bar at exclusive lang sa mga ininvite ko yung party. Please, be there. Birthday ko naman e," pilit pa ni Tyler.

At nakaupo lang kami doon habang patuloy lang siya sa pagkumbinsi hanggang sa kailangan na niyang magpaalam dahil shift niya pa sa bar. Pero, bago umalis ay pinaalala niya ulit yung birthday party niya at sinabi pang kukulitin ako sa text hangga't sa mapapayag niya ako.

I didn't take that seriously not until now, I've received a message from him. At ngayon pa lang, inihahanda ko na ang sariling makatanggap ng parehong texts gaya niyan.

-=-=-=-=-=-

Nang makarating ako sa classroom ay sumalubong na naman sa akin ang chocolate at bulaklak na galing kay Miles.

Ugh. Wala na itong mapaglalagyan sa unit ko. Siguro, ibibigay ko na lang itong chocolate mamaya kay Kimberly. Hindi ko na lang papaalam kay Miles dahil sigurado akong hindi magiging maganda ang reaksyon niya oras na malaman niya.

Itinabi ko na ang flowers at box ng chocolate sa ilalim ng desk. Mahirap na at baka makita pa ng professor. Kukunin ko pa lang yung libro para sa subject namin ngayon mula sa bag ko nang makita kong umupo na si Miles sa upuan sa tabi.

"Good morning," he greeted cheerfully.

"Morning." Ipinatong ko na ang libro sa table at sinimulang buklatin ito.

"CN, about tomorrow, may decision ka na ba?" narinig kong tanong ni Miles.

Doon ko pa lang naalala yung recital ni Vanessa. Argh. Kasabay pa ng party ni Tyler. Now I was so torn. Free ako bukas. Wala kaming pupuntahan na site ni Slade. Hindi rin luluwas si Mama. Pero, ngayon, hindi ko alam kung saan pupunta. Naunang nag-aya si Miles. Isa pa, si Vanessa yung pupuntahan namin. At alam ko rin na safe doon hindi tulad nung party ni Tyler na dama ko na kung anong mangyayari at makikita.

But then, I knew that Slade would be in Tyler's party. It's been days since the last time I saw him. At kahit pa ayaw na ayaw kong aminin, may bahagi sa puso ko na gusto ko na siyang makita. Lalo pa't sinabi ni Tyler kung anong lagay niya.

Heaving out a deep breath, I looked at Miles and shook my head no. "Sorry. Hindi ko pa rin napagdesisyunan e."

He smiled. "Okay lang. You still have time to think about it. Just let me know kung anong decision mo."

Tumango ako.

-=-=-=-=-=-

Hindi ko alam kung kailan ang huling beses na ganito ang naging pakiramdam ko. And for Pete's sake, I was just waiting for my History class to start. Yeah. Parehong klase kung saan din pumapasok si Slade.

Para akong kinakabahan na ewan. Daig pa yung feeling noong unang beses kong sumali sa declamation contest.

Pero, hindi ko naman alam ang gagawin kung makita ko man siya. Pagkatapos malaman lahat ng sinabi sa akin ni Tyler kahapon, tumakbo na lang sa isip ko na nasasaktan ngayon si Slade. Dahil sa akin. At nagplay na naman sa isipan ko yung nangyari noong kasama namin si Elton, noong Lunes. Maybe, Slade already thought that I don't like him.

At dahil doon, kaya niya ko iniiwasan. Kaya niya ako ayaw makausap. At dahil din doon kaya malaki ang posibilidad na hindi na naman siya pumasok ngayon.

At tama ako. Hindi nga siya pumasok.

I thought he was late again, but he wasn't. Walang Slade na dumating sa klase namin. And I couldn't concentrate. Buong oras na nakaupo ako sa classroom ay lumilipad ang utak ko.

At nadala ko iyon hanggang sa pag-uwi. Hindi ko namalayan na lumagpas na pala yung jeep na sinakyan ko. Tuloy, medyo mahaba-haba ang nilakad ko pabalik ng Montereal Place.

Pagkapasok sa loob ng unit ko, inubos ko ang oras sa pagrereview. Kahit pa last week ko pa natapos aralin lahat ng ito ay inaral ko pa ulit para lang may ibang bagay na mapagtuunan ng pansin.

But honestly, I couldn't concentrate since I always find myself thinking about Slade. And I hated it. Masyado ko na siyang iniisip. Masyado na niyang kinokunsumo ang utak ko. At natatakot ako na baka kung nagpatuloy sa ganito ay ang puso ko naman ang sumunod.

Ugh. CN, stop thinking about him. Please. Really.

Ibinababa ko na ang hawak-hawak na ballpen at sumandal sa swivel chair. Siguro, mas makakbuti kung yung paanyaya na lang ni Miles ang tanggapin ko. Perhaps, if I spend my time with Miles, I wouldn't think of him. Of Slade.

I tsk'ed. Yeah. Lokohin mo ang sarili mo, CN.

I sighed deeply. I truly knew that wouldn't happen. Alam kong kahit na sa ibang bagay o sa ibang tao ko pa ibaling ang atensyon ko, magagawa at magagawa pa rin ni Slade na pumasok sa isipan ko.

And I was torn, again. Part of me wanted to say yes to Miles and another was telling me to go to Tyler's party. Dahil doon, sa huli, makikita ko na siya. At naisip ko na kapag nakita ko na siya ay matitigilan na ang paggambala niya sa isipan ko. Baka hindi ko na siya isipin. Na matahimik na ang utak ko.

Argh. This was hard, really.

I forced myself to finish studying. At nang nag-eleven o'clock na ay nagligpit na ako ng gamit at naghanda para matulog.

Nang humiga na ako sa kama ay di ko pa rin nararamdaman ang antok. Parang hindi nga ako makakatulog hangga't hindi ako makakapagdesisyon kung saan ako pupunta bukas. Saan nga ba?

Kay Miles? O kay Tyler?

I was still busy mulling over it when I felt my phone vibrate. Inabot ko ito mula sa gilid ko at natigilan nang makita kung kaninong pangalan ang nakalagay sa screen. Pero mas lalo akong naapektuhan nang mabasa ang message niya. It was composed of three words. Just three words but enough to make my heart throb fast.

'I miss you.'

Fudgee barr! Slade, you really know what to text and when to send it.

At miss pala ha. Kung namimiss niya pala ako, bakit siya naisipang hindi magpakita sa akin ng ilang araw? Hay. Ang labo talaga.

Ibinababa ko na ang cellphone at ipinikit ang mga mata. But somehow, that text helped me. Alam ko na kung saan ako pupunta.

Bad for You (GU #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon