fourteen

31.6K 681 20
                                    

Fourteen: Not Even Him

When I got back to school the next morning, I tried hard not to think about a certain someone. Paano kasi, simula nang bumalik kami sa Montereal Place ay hindi na mawala sa isipan ko si Slade. Which was not really good.

Ang huling beses ko siyang inisip ng matagal ay noong nalaman kong ayaw na niya akong makapartner at halos isang oras lang yun.

Pero, obviously, may nakatalo na sa record na yun dahil mahigit twelve hours na siyang pabalik-balik sa isipan ko.

Fudgee barr talaga.

Hindi ko din naman kasi alam kung bakit ganoon. That why my mind was filled with either Slade or pink.

Yes, pink.

May samaligno 'ata yung nabili kong damit sa kanya e kaya nagkakaganito ako.

Ugh. Kailangan niya ng mawala sa isip ko. As in, now na.

"CN."

Napahawak ako sa puso nang biglang sumulpot sa tabi ko si Miles. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang building namin.

"Okay ka lang?" concerned niyang tanong.

I wanted to tell him no. That I didn't appreciate him appearing suddenly and unexpectedly. But I chose not to and just nodded. "Yes."

He smiled. "How was your Wednesday?"

Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya. Hindi ko alam kung anong meron kay Miles pero hindi ko lang maintindihan kung bakit patuloy siyang lumalapit sa akin gayong ilang beses ng hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya. At sigurado din ako na nasabihan na siya ng mga kaklase namin ng kung anu-ano tungkol sa akin.

But why was he still here talking to me? Yung huling beses naman, inaya niya kong maglunch kasama siya.

"Why are you doing this?" I asked him suddenly, forgetting about his question earlier.

Nagtaka naman siya sa tanong ko. "Ano?"

Huminto na ako sa paglalakad at hinarap siya. "Bakit mo ko kinakausap? Tapos nung kelan, bakit inaya mo kong sumabay maglunch?"

Nakita kong nagulat siya nung simula pero agad din itong napalitan ng ngiti. Then he breathed out before saying, "Because I want to. I can see you're a nice person, CN and I want to be friends with you."

I knew it. Ginagawa niya din ang ginawa ni Kimberly noon. Ang pinagkaiba nga lang, si Kimberly, nasabihan ko agad ng tungkol sa issue ko.

I huffed. "Really? I thought our classmates already informed you of what I am. At sigurado ako, nice isn't the right word to describe that."

Biglang sumeryoso ang mukha niya. He sighed. "Yes, tama ka. I already heard things about you but I am not a judgmental person, CN. I know you aren't like that and I really want to know you."

I groaned in my head. Bakit ba ganito? All I wanted was to get through with college on my own. Pero, unti-unti, may mga taong gustong pumasok sa buhay ko.

But I already made up my mind. I wouldn't let anyone in.

"I'm sorry Miles but I don't make friends," I told him honestly. "Kaya ngayon pa lang, sinasabi ko ng kalimutan mo na yang balak mong makilala ako because you won't get anywhere."

I saw him shook his head then bowed it down. Matagal niyang ginawa yun. Inisip ko na ngang iwanan siya dito nang bigla siyang tumingala at ngumiti sa akin. There was a determined look on his face. "Okay, you don't make friends," he said, nodding. "But that won't stop me, CN. I still want to know you and I still believe you're a nice person."

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now