forty-two

22.3K 550 13
                                    

Forty-Two: The Talk

After what happened earlier, I should've seen it coming that Melissa and I would be in a same room again. Ang totoo, naisip ko na dahil hindi naman pwedeng hindi kami magkita lalo pa't iisa lang ang pupuntahan naming lahat. Ang hindi ko lang inaakala ay magiging ganito agad kabilis.

Nang balikan kami ni Drew sa loob ay nasa ganoong ayos pa rin kami ni Slade, magkalapit habang nakatingin lang sa isa't isa. Wala na kaming napag-usapan pa. Marami pa sana akong gustong tanungin pero naisip ko na hindi tama yung oras, maging yung lugar. I'd just let this day pass. At kapag nakabalik na kami ng Montereal Place, saka ko na gigisahin si Slade ng mga tanong.

Just a day with Melissa plus the unresolved issues about her, I guessed I could deal with that.

Nang makalabas na nga kami at nakarating sa sasakyan ni Slade ay saka ako bahagyang napanganga. Of course, Melissa chose to ride with us. Saan pa ba siya makikisabay kundi kay Slade? Nakasandal siya sa sasakyan ni Slade habang naghihintay sa amin. Agad kong nilagay sa isipan na papalipasin muna ang araw na ito. I wouldn't react improperly.

But the girl seemed making me want to forget about that. Ipinuwesto niya ang sarili sa labas ng passenger's side. Natigilan naman ako sa kinatatayuan maging si Slade sa tabi ko. Matagal kaming nasa ganoong ayos hanggang sa lingunin kami ni Melissa at tiningnan kami ni Slade. Parang doon pa lang siya natauhan. "Oh, sorry." Lumayo siya sa doon at lumipat sa bandang likuran ng sasakyan.

It was all very easy to read. Doon siya umuupo sa passenger's side ng sasakyan ni Slade. But knowing I was here, she still thought of sitting there. Iyon ba ang iniisip niyang mangyari? Na pagkatapos ng nangyari sa loob kanina ay hindi na kami ayos ngayon ni Slade? Na apektado ako sa sinabi ni Drew? Iniisip din ba ni Melissa na tulad ako ng mga babaeng nakita na niyang kasama ni Slade dati? The girls he had for just for fun. Was she expecting that Slade would want to get rid of me, too?

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ang kamay ni Slade sa likuran ko. Nabuksan na pala niya ang passenger's door. I looked at him and he motioned me to go inside. I did. Sumunod naman siyang sumakay at nag-umpisa na ang napakahabang biyahe.

Silence. That was what filled the car. That and only that. Doon lang ako sa daan nakatingin. I knew Melissa was sleeping because I glanced at her some minutes ago and saw her eyes were closed as she leaned on the back of her seat. Si Slade ay hindi ko pa tinitingnan o sinulyapan man lang buhat nang makapasok kami dito. And I could feel his eyes on me a few times. Nakatingin pa rin ako sa unahan nang inabot niya ang kamay ko. I wanted to pulled it away. Ewan. Hindi ko lang dama na hawakan ang kamay niya ngayon pero tila alam niya ang nasa isip ko at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin. Then he squeezed it, like he was reassuring me with something through his touch.

It took almost three hours and we'd reached our destination. Nauna na ang dalawang kotse—kay Drew at kay Ivan kung saan nakisabay si Tyler—na dumating. Kami ang huli. Kaya naman nang makarating kami doon sa lugar ay nandoon na silang lahat sa labas at naghihintay sa amin. Doon ko pa lang nakita kung ilan lahat kami. We were nine. Kamuntik nang magpares-pares kundi lang dahil kay Slade. Because he got two girls with him. And I mentally scoffed at that.

Nang tumigil na ang sasakyan, kinalas ni Slade ang seatbelt niya at nilinga si Melissa na hanggang ngayon ay natutulog pa. I didn't wait for her to wake up. Agad na kong lumabas. I caught Tyler's look on me. I didn't know. Para niya kasi akong binabasa. I remained poker-faced. Just a little more time, CN and it'll be all over.

Nang makalabas na sina Slade at Melissa, inaya na ni Drew ang lahat sa kalapit na villa. The place was beautiful. Hindi ko nga lang masyadong ma-appreciate dahil sa sari-sari ko pa ring nararamdaman. I even doubted I would enjoy my stay here for the day.

Bad for You (GU #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ