fifty-five

21.7K 461 63
                                    

Fifty-Five: The Party

I woke up with a start. Pero agad ko ring ipinikit ang mga mata nang masinag sa liwanag na nakapasok sa loob ng kwarto mula sa bintanang bahagyang nakabukas.

Nang medyo kaya ko nang makapag-adjust sa liwanag, binuksan ko nang muli ang mga mata at inikot ang tingin sa paligid. I was now in my room and I wondered how I got here since the last thing I remembered was that I was in Slade's room before I drifted to sleep.

Last night...well, I couldn't help but smile as I remembered last night. It was like Slade and I moved into another level of our relationship. Like in a very special way. Pero ang talagang nakakapagbigay sa akin ngayon ng kapayapaan ay hindi dahil alam ko na ang lahat ng tungkol sa buhay niya kundi napagtanto ko na kung anong totoong nararamdaman ko para kay Slade.

Mahal ko na siya. And after knowing that very dark past of him, it only made my feelings for him grew stronger. At natatakot ako kasi alam kong hindi ganito ang naramdaman ko noon kay Jasper. With Slade, it was deeper, much intense. And I don't think I could hold it for too long. At 'yun ang kinatatakutan ko.

Paano na lang kapag hindi ko na napigilan pa ang sarili at malaman niya ang tungkol dito? Paano kung biglang may magbago sa aming dalawa? Paano kung hindi niya ito magustuhan o maging hindi maganda ang reaksyon niya dito? Iniisip ko pa lang parang hindi ko na kaya.

That was why I needed to be careful. And even it was hard, I was willing to hide this just to protect what we have now, whatever this is. 

Natigil ang pag-iisip ko nang mayroong kumatok. Not bothering to ask whoever on the other side of the door was, I said, "Come in."

And he did, with a tray on hand and a smile on his face. Slade put the tray on the bedside then he took a seat on the bed, reached for my forehead and planted a kiss there. "Good morning."

"Good morning," sagot ko, at napahinga nang malalim nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. At sigurado rin akong lumakas ang pagtibok nito. I just really hoped that Slade couldn't hear it right now.

"Ano 'yang dala mo?" naisipan kong itanong bago pa mahalata ako ni Slade.

Napunta na rin doon ang atensyon niya. "Rice with daing na bangus and tomato. And mango juice."

Biglang natakam ang tiyan ko sa sinabi niya pero bigla ko namang naisip kung bakit dito niya ko dinalhan ng pagkain. Hindi ba kami sasabay sa mga magulang niya?

"Bakit mo pala dinala 'yan dito?"

The side of his lips curled up. "Because I want to make your breakfast special."

I stared at him. Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa akin na hindi naman talaga 'yun ang totoong dahilan. Kahit pa nagawa na naman ng sagot niya na mas pabilisin pa ang tibok ng puso ko.

"Okay," he sighed, "you really know me, huh?" I didn't answer but just shook my head. I knew it, Slade was far from romantic. May pagkakataon namang sinusubukan niya pero mas nananaig pa rin kung ano talaga siya. Getting no answer from me, he went on, "There are a lot of people now outside, preparing for the celebration later, so I just decided to bring your breakfast here."

I smiled. Slade understood. Kahit hindi man niya direktang sabihin, alam kong naiintindihan niya na hindi pa rin ako sanay makihalubilo sa maraming tao. And as a sign of thanking him, I leaned close to him and pressed a kiss against his cheeks.

Itinaas niya ang parehong kilay. "What was that for?"

I grinned as I shook my head. "For being thoughtful." Tumayo na ako. "I'm just going to wash my face and brush my teeth. Wait for me, okay and lets eat together."

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now