ten

33.5K 670 46
                                    

Ten: New Food Buddy

Lately, hindi talaga gumagana ng maayos ang utak ko. I often made decisions not thinking of what would be the outcome of it.

Tulad ngayon.

Nanatiling nakatingin lang si Kimberly sa kamay kong may hawak na five hundred peso bill.

Nang makita ko siya kanina-nina lang sa ground floor ng building namin, agad ko siyang tinawag at nang makalapit na sa kanya ay nilabas ko na ang pera at inabot sa kanya sabay sabing, "I owe you this."

But she didn't answer. She just looked at me with a shocked face then moved her eyes to my hand.

Maya-maya pa, dahan-dahan niyang inalis ang tingin sa kamay ko tapos napailing. She muttered something incoherent.

Hindi ko pa din inaalis ang kamay sa pwesto.

Tinapatan niya ang tingin ko. "What?"

I breathed out deeply. "Hindi ako sumunod sa cafeteria kahapon, diba?" paliwanag ko. "Binilhan mo ko ng pagkain. It's just the right thing to pay you. The change is yours by the way in case wala kang panukli."

She let out a harsh laugh. "Are you serious, CN?"

Hindi ko siya sinagot at nanatili lang na nakatingin sa kanya.

Then I was stopped at the look on her face, she was offended.

"I can't believe this," she sighed heavily. "I can't believe you! Alam mo, hindi naman ako nag-eexpect ng kahit ano sa'yo. Kahit nga sorry e dahil di ka nagpakita kahapon. At hindi din ako magtatanong ng dahilan. Pero ito? Hindi ko alam kung anong gusto mo, CN. Pero kung gusto mong iparamdam sa akin kung gaano ako kababa, then, congrats!"

At pagkatapos niyang sabihin yun, nilagpasan niya ako at iniwan na nakatayo sa hallway.

I retracted my hand slowly. And then I realized may mga nagkumpulan na palang mga tao malapit sa kinaroroonan ko. All of them were staring at me. Some were having this infuriating smirk on their faces. Yung iba pa nga natatawa habang nakikipagbulungan sa mga kasama nila. At hindi ko alam kung para kanino yun; kay Kimberly, sa akin o baka sa aming dalawa.

I just rolled my eyes at them then turned my back and went to the stairs.

-=-=-=-=-=-

Hindi ko alam na hanggang sa klase madadala ko ang pangit kong mood. Actually, nadagdagan pa nga nang nakita ko ang grupo ni Lyra. Buti na lang at alam nila kung saan sila lulugar dahil agad silang nanahimik sa pagchichismisang ginagawa nang nakita na akong pumasok ng room. Of course, they didn't want to do same mistake anymore.

At laking pasasalamat ko naman na hindi na ako ginambala pa ni Miles. Nang makarating ako sa table namin, nag-hi lang siya at hindi na ako pinansin pa. Sigurado, sinabihan na siya ng mga classmates namin tungkol sa napakapangit kong ugali.

Habang nakalagay ang isang kamay sa baba, patuloy lang ako sa pagsketch sa notebook. Hindi ko nga alam kung gaano katagal ko na itong ginagawa. Basta, wala lang ako sa mood pakinggan ang prof namin sa Philippine Literature.

"CN."

Napatingin ako sa katabi ko nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

Napakamot siya sa ulo. "May iniwan kasing gagawin natin si Ma'am," sabi niya at inabot sa akin ang bond paper. "Seatwork daw."

Kinuha ko ito at binasa ang title—Dead Stars. Bakit hindi ko namalayang nagpalibot ng ganito?

Kasi naman busy ka sa artwork mo, bulong ng bahagi ng isip ko.

Bad for You (GU #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon