thirty-four

22.4K 568 29
                                    

Thirty-Four: What Happened

Ang sakit ng ulo ko. 'Yan ang una kong naramdaman nang magising. Nakapikit pa rin ang mga mata, napahawak ang isa kong kamay sa gilid ng noo at hinilot ito. Pero ang ginawa ko'y walang epekto, nandoon pa rin ang sakit. Inalis ko na dito ang kamay at tumagilid sa kama, pilit na isiniksik ang mukha sa unan na para bang kumukuha ng ginhawa mula dito. Ngunit agad akong natigilan nang may kakaibang naamoy.

Kailan pa naging ganito ang amoy ng unan ko?

It didn't smell like my fabric conditioner. Not even the shampoo I was using. Instead, it smelled manly. And strangely, the scent was familiar.

Inisip ko kung saan ko na naamoy ito nang matigilan sa katotohanang wala ako ngayon sa kwarto ko. Agad na nawala ang antok ko, maging ang sakit ng ulo ko at napamulat. Inikot ko ang tingin sa paligid. White walls. Big cabinets. Abstract painting. Bumaba ang mga mata ko sa duvet na nakatakip sa akin. Black.

I froze when realization hit me. Oh my. Anong ginagawa ko dito sa kwarto niya? What happened last night?

I closed my eyes and tried to remember what happened. Putol-putol na alaala ang naglaro sa isipan ko. Going to Tyler's party, having a drink, talking to Slade, dancing, then the booth, and me pulling him down to me for a... kiss. Agad kong binuksan ang mga mata at napabangon na sa kama niya.

Bumalik ang sakit ng ulo ko pero kasabay nito ang pagwawala na naman ng puso ko. Did we kiss? Or did we do more than that?

I groaned. I was starting to panic, too. Wala na akong maalala pagkatapos sa booth. Ano bang nangyari? Bakit ba kasi pinilit ko pang pumunta doon? Ano bang naisip ko't uminom ako? Then, I even initiated that I liked to kiss him. Oh fita for you, CN. You and your dumb brain. Ano bang nangyayari sa'yo? Oh God. What did I do?

I breathed deeply. I needed to calm down. Hindi ako makakapag-isip ng matino kapag ganitong kinakabahan ako. Nang unti-unti na akong kumalma, una kong tiningnan ay ang suot ko. But I gasped when I saw I wasn't in my dress. Sa halip, ang mga damit ni Slade ang nakasuot sa akin. Isang long sleeve na puti at sweatpants na malaki para sa akin. I looked inside and saw that I still have my underwear on. Pero kahit na, bakit iba na ang damit ko? Nasaan ang dress ko?

Pinalitan niya ba ako? Pero, bakit? May nangyari bang... Argh. I couldn't even say it. At 'yan na naman, nag-uumpisa na namang maghuramentado ang puso ko. Pinilit ko na namang kumalma at pinakiramdaman ang sarili. Maliban sa ulo ko, wala namang ibang masakit. I wasn't that naïve about that thing. I had read enough health books to know the whatabouts after doing the thing.

I exhaled. At least, there was one thing I was sure of—nothing happened between us. Pero, anong ginagawa ko dito at bakit ganito ang damit ko? At nasaan siya?

Patayo na ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto. Then, Slade came in just in a pair of jeans. His upper body was bare for my eyes to look at.

I moved my gaze away and groaned. Didn't he has anything to hide that?

"You're awake," I heard him say but from my peripheral vision, I saw he was still on the doorway. He didn't move.

Naalala ko naman ang sitwasyon ko ngayon. It wasn't the time to get shy on Slade, really. Ang dami ko pang gustong itanong. Ang dami ko pang gustong malaman. Lalo na't hindi ko maalala ang nangyari kagabi.

So, heaving a deep sigh, I kept my face straight and looked at him. Pero, magsasalita pa lang ako nang sumakit na naman ang ulo ko pagkatapos may kakaiba akong naramdaman sa tiyan ko, parang iniikot na ewan. Hanggang sa tumaas ito papuntang lalamunan. Oh my. I was going to throw up.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now