forty

24.6K 577 61
                                    

Forty: His First

Abala ako sa pagtingin sa mga damit na nasa kama nang may kumatok. Agad akong napatingin sa pinto. Alam na alam ko kung sino ang nasa kabilang bahagi nito. At mukhang alam ko na rin kung ano ang pakay niya. Nang hindi pa rin ako sumagot ay tuloy pa rin siya sa pagkatok. Napaungol ako saka binaba ang hawak na shirt at naglakad papunta sa pinto. I-unlock ko ang pinto at bago ko pa ito mahila pabukas, may nagtulak na nito. The frown on my face was instantly gone when I saw him looking at me smilingly. There was just something about Slade's smile that could make my knees go weak.

"Good morning," he greeted, leaned down to me and pressed a gentle kiss on my forehead. I inhaled his scent. I wouldn't get tired smelling that. Lumayo na rin siya sa akin at nakangiti pa ring tiningnan ako sa mata. "Ready?"

Umiling ako. "Hindi pa ako tapos mag-pack ng gamit."

He gave me a look before fishing his phone out of his pocket. Sinilip niya ang oras saka ibinalik sa akin ang tingin. "It's okay. It's still early by the way. Just take your time." Nilagay niya na ulit ang cell phone sa bulsa. "Call me when you're done and we'll go."

Tumango lang ako at binuksan pa ang pinto sa pag-aakalang papasok din siya sa loob. Pero nang humakbang pa siya palayo ay nagsimula nang tumaas ang kilay ko. At bago ko pa mapigilan ang sarili, lumabas na ang tanong mula sa bibig ko, "Saan ka pupunta?"

Slade came into a halt, both of his brows shot up. He looked confused for a moment before a sexy grin formed into his lips. "Missed me, already?"

I narrowed my eyes at him, fighting back a glare. When he noticed my reaction, he chuckled. "Nah, just kidding. I'm not yet done with my things, too. Gusto ko lang talagang i-greet ka."

Doon na tumaas ang parehong kilay ko. "Pumunta ka dito para batiin lang ako?"

His smile widened then he nodded.

"Bakit hindi mo na lang ako tinawagan o tinext?" tanong ko. He could do that, really. Nakasave pa siya ng effort at energy lalo pa't magkikita naman kami mamaya.

Shaking his head, Slade looked at me intently. At parang nanghina naman ang tuhod ko sa tingin niyang yun. Humigpit ang hawak ko sa pinto. Doon na siya nagsalita, "If I did that then I won't get to see your face. And I don't want that." Huminto siya at bumalik na naman ang ngiti sa labi niya. "I want to see your face the first thing in the morning, Celestine. Every single damn morning."

Tulala lang akong nakatingin sa kanya, pilit na pinoproseso ang mga salitang binitiwan niya nang tuluyan na siyang pumasok sa loob ng unit niya. It took a few more seconds before I got my thoughts straight. Okay. That was...sweet. Sweet in a kind of Slade's way. He just could render me speechless with his words.

Huminga ako nang malalim saka pumasok na rin sa loob at tinuloy na ang ginagawa.

So, yesterday, after him pissing me off with his stint, he told me about his friend, Drew's birthday. Gaganapin daw ito sa private resort ng huli sa Zambales. It was a one day celebration and Drew wanted them all to be there. Nung una, hindi ko maintindihan kung bakit sinabi niya sa akin ang tungkol doon. Pero nang sabihin niyang isasama niya ako ay napanganga na ako sa kanya. I was about to ask him why he wanted me there when he said that I shouldn't be surprised anymore because I was a part of him now. At isa pa gusto rin daw akong makilala ni Drew.

I didn't ask about it anymore. Tumango na lang ako at agad na sinabihan si Mommy tungkol dito. I wasn't able to tell her though that I would be with Slade. Well, I didn't intend to. Nawalan na lang ako ng pagkakataon na sabihin. Paano, parang tuwang-tuwa si Mommy nang marinig na inimbitahan ako ng kaibigan sa isang birthday party. She was too excited for me that she agreed into it instantly. Tanging tinanong niya lang ay kung saan pagkatapos ay nagbilin na siya at tinapos ang tawag sa isang, 'Have fun!'.

Bad for You (GU #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon