seventeen

29.9K 597 23
                                    

Seventeen: Be The Witch

The next two days went by oh-so-slowly. 'Yun na nga 'ata ang pinakamahabang weekend na naranasan ko. On Saturday, I spent the whole day reading different books. Huminto lang ako kapag kakain ng lunch or dinner. Nung Sunday, binisita naman ako ni Mama, lumabas kami at nagkwentuhan lang ng kung anu-ano.

My mother was aware of all the things about me growing up. Kahit nasa US siya, constant ang communication namin. Alam niya ang issue ko tungkol sa mga classmates ko noong elementary at high school. Maging doon sa mga apo ng amiga ni Lola na gusto ng huli na kaibiganin ko. That all of them were just plastic girls and backstabbers. She knew, too, that Jasper was the one and only friend I had. At alam niya rin kung paano ako nasaktan nang umalis si Jasper ng hindi nagpaalam sa akin. Kung gaano ako naapektuhan nito. Therefore, she knew, too, my lack-of-friendship life.

Kaya naman nang pumasok na ako sa Gaynesville, lagi niya akong ineencourage na makipagkaibigan. She said it was a new place, that people in GU might not be like my old classmates.

If she only knew. Pero hindi na ako nag-abala pang sabihin sa kanya ang tungkol sa grupo ni Lyra. Tumigil na rin kasi sila at isa pa, ayaw kong mag-alala pa si Mama. So I just said that I'll try even though I wouldn't really do it. I'd still stick to my plan when I came here. Kaya ko naman yun e. I would get through college on my own.

I sighed. And now, it was Monday. Two weeks na ang nakalipas mula nang mag-umpisa ang klase. Only two weeks but a lot had happened already.

Huminga ako nang malalim at inalis muna pansamantala ang lahat ng ito sa isipan. Ibinaba ko na ang hairbrush at tumayo mula sa upuan. Inabot ko ang bag sa couch at isinukbit na ito sa balikat. Time to go to school.

Nang makalabas ako sa unit ko, napasulyap ako sa pintuan ng kapitbahay ko. I didn't see him the whole weekend. I even doubt if he went home. And I didn't even know why I was looking for him.

I shook my head. There you go again, CN. Ugh. Kailangan ko na talagang tigilan ito. I should stop thinking about him. This wasn't healthy anymore.

Inalis ko na ang tingin sa pinto niya. Yes, I should really stop.

-=-=-=-=-=-

Ang una kong napansin nang dumating ako ng school ay ang mga estudyante. They were all looking at me like I was some kind of a freak or something. Anong meron at ganyan sila makatingin? Baliktad ba yung pagkakasuot ko ng t-shirt ko? Or nung pants?

Tiningnan ko ang damit ko. Okay naman. Oo, aaminin ko, medyo lutang yung isip ko nitong mga nakaraang araw pero hinding-hindi ako magkakamali sa pagsusuot ng damit.

I looked back at them, they were still looking at me. Bakit ba talaga ganyan sila? Ano bang problema nila?

Nakatuon pa rin ang mga mata sa kanila, hindi ko namalayang may nakabunggo na pala ako. Hindi naman ganoon kalakas ang impact para ma-out-of-balance ako pero naging dahilan naman ito para mahulog ang mga librong dala ko. Agad akong tumungo at pinulot ang mga ito. Mula sa peripheral vision ko, nakita kong tumungo rin ang nakabangga sa akin at tinulungan akong magpulot.

Umayos ako sa pagkakatayo. Kasalukuyan namang inaabot nung lalaki ang huling libro. Nang makuha na niya ito ay tumayo rin siya at iniabot sa akin ito.

"Sorry. Nabunggo kita," hingi niya ng pasensya sabay napakamot sa batok.

"It's okay. Hindi rin naman ako tumitingin sa daan."

He just smiled. And I didn't know why but it seemed strange. "Sige, mauna na ko."

Tumango na lang ako. Lumakad na papalayo yung lalaki. Samantala mukhang hindi naman matinag yung mga estudyante dahil nakatingin pa rin sila sa akin. Napailing na lang ako at pinilit na huwag silang pansinin at naglakad papunta sa school building.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now