forty-five

25.9K 513 60
                                    

Forty-Five: Good or Not

Life is good. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses kong sinabi o naisip ang mga salitang 'yan. Pero ngayon, kaya ko nang sabihin 'yan kahit ulitin pa ng napakaraming beses. Because that was the truth. My life now really was good and I must admit that Slade had a lot to do with it.

After telling him the words, everything did level up. Not just the kiss—which I didn't mind, not one bit, really—but most importantly, what we felt for each other. Hindi man niya sinasabi, alam ko, kung paano na niya ako tingnan ngayon, sa hawak niya, sa lahat, dama ko na lumalim kung anuman ang nararamdaman niya para sa akin. At ako rin. I was feeling the same thing, too. Which I wasn't prepared for. Hindi ko lang kasi alam na magiging ganito kabilis, at natatakot ako, na baka kung hindi ko mabantayan ang sarili ay mas lalo pa kong mahulog hanggang sa hindi ko mamalayan ay nandoon na ako sa pinakamalalim na bahagi at hindi ko na alam ang daan palabas.

Na ayaw kong mangyari. Lalo pa't hindi ko alam kung saan patungo itong anumang ugnayan na meron kami ni Slade. He didn't do commitments. I was fully aware of that. And I was the kind of girl who didn't do casual relationships. At sa kabila nang pinaninindigan namin tungkol sa relasyon, sinong mag-aakala na magsasama kami ngayon? We somehow found a way and met halfway.

Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang maramdaman na naman ang sakit ng lower abdomen ko. Ugh. My monthly cramps. The one thing I disliked being a girl. I groaned and turned, now lying flatly on my back. Iba rin kasi ako magka-dysmenorrhea. Makirot kung makirot talaga. At hindi pa agad-agad nawawala. Kaya naman nandito lang ako sa unit ngayon kahit pa araw ng Biyernes at dapat ay nasa school ako.

Sinilip ko ang oras sa wall clock sa dingding, pasado ala-una pa lang. Hindi ko alam kung beses ko pang iindahin 'to. Kaninang umaga ay ilang beses na akong inatake ng kirot. Ilang beses ko na ring ininuman ng gamot at nag-hot compress ay wala pa rin.

I winced when I felt the pain again. Fudgee barr. Kailangan ko nang magpakulo ulit ng tubig. Tiniis ko ang kirot at tumayo saka naglakad papuntang kitchen. Inabot ko ang electric kettle at itinapat ito sa faucet. Pero lalamnan ko pa lang ito ng tubig nang makarinig ng sunod-sunod na katok.

Natigilan ako, inisip kung sino ang nasa kabilang side ng pinto. And my choices were limited into two. Naalala ko ang oras. It couldn't be him. Sa mga oras na ito ay dapat nasa university pa siya. Pero, kung si Mama 'yan, bakit hindi siya nagpasabi na darating siya ngayon?

There was only one way to find out. Ibinaba ko muna sa countertop ang hawak-hawak saka lumapit sa pinto. Pagkabukas ko ay agad na tumaas ang kilay sa nakita. Anong ginagawa niya dito?

Itatanong ko pa lang 'yun nang magsalita siya. "Hindi ka pumasok." Lumapit siya sa akin at nilapatan ng halik ang noo ko. "And you didn't return my call or texts. I was worried. Are you okay?"

I nodded but at the same time, my lower abdomen constricted in pain that I winced and he caught it. Nakita ko ang pagtatanong sa mga mata niya at bago pa siya makapagtanong ay inunahan ko na siya. "Dysmenorrhea. And about your calls, sorry I wasn't checking my phone."

"Have you taken any medicine yet?"

Tumango ako. "Yes. And hot compress, too."

Walang sinabi si Slade at marahan akong itinulak papasok sa unit ko. Pumasok din siya at sinara ang pinto sa likuran niya. Nagtataka ko lang siyang tiningnan. Ano bang ginagawa niya?

Dumiretso siya sa sink at doon sa electric kettle napunta ang tingin. "Is this for your hot compress?" tanong niya pagkatapos ay sinulayapan ako.

Nang makita niya akong tumango ay itinuloy niya ang ginagawa ko kanina. I wrinkled my forehead. Hindi ba dapat ay bumabalik na siya sa university ngayon? He already checked on me. "Slade, shouldn't you be in school? Okay na 'ko dito. Hindi mo na ako kailangang samahan pa."

Bad for You (GU #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon