sixty-five

19.7K 524 64
                                    

Sixty-Five: The Best Thing

Mula sa taxi kung saan ako'y nakasakay, muli ko pang pinagmasdan ang lugar. A lot of memories happened in there. Memories I knew I wouldn't able to forget. I smiled sadly, now I knew where the first time I went here, there was some kind of feeling that made me want to stay. Dahil una pa lang alam parang itinakda nang magkita kami, magkakilala, mahalin ang isa't-isa. And I would hold on to that. That we were meant to be. And nothing could change that, even this little trial.

Naniniwala pa rin ako na kapag maayos nang lahat at magkita kaming muling dalawa ni Slade, pwede na naming ituloy ang naumpisahan namin. Naniniwala ako na mapapatawad niya rin ako at maiintindihan kung bakit ko ginawa ito. At maaaring hindi niya pa makita sa ngayon, pero naniniwala akong ito ang mas makakabuti sa aming dalawa.

Pinunasan ko na naman ang mata, mula nang lumabas ako sa unit ni Slade ay hindi na ko tumigil sa pag-iyak. Siguro nga ay lahat nang nakakita sa akin ay nagtataka na maging yung driver na kanina ko pa nakikitang sumusulyap-sulyap sa rearview mirror. Siguro ay tahimik na nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagsasabi kung saan ako pupunta.

Nagpunas pa kong muli ng mata saka sinabi na ang address ng bahay ni Tita Lanie. At sa huling pagkakataon ay tiningnan ang Montereal Place. This isn't our goodbye, Slade. And it'll never be because we will see each other again. And I pray when that day happens, you'll still welcome me in your arms. Because that'll be my only assurance that you still love me.

-=-=-=-=-=-

Kahit nang maabot ko ang bahay ni Tita Lanie, hindi pa rin nabawasan ang bigat ng pakiramdam ko. I still felt like I was carrying the whole world. Dumiretso ako sa kwarto at doon na tuluyang umiyak. Hindi nagtagal nang may kumatok saka may nagbukas ng pinto. Nakita ko sa Mama, punong-puno ng pag-aalala ang mukha. Pero hindi siya nagtanong. Basta lumapit lang siya at niyakap ako. At sa mga oras na iyon ay laking pasasalamat ko na nandyan siya. Sa gitna ng kalungkutan ko, sa kapighatian, mayroon akong pwedeng sandalan. In her arms, I cried my heart out. Nilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman.

Nanatili pa kaming nasa ganoong ayos hanggang sa medyo kumalma na ako. Inayos ako ni Mama ng pwesto. Tuluyan na niyang isinampa ang dalawang paa sa ibabaw ng kama tapos inihilig ang ulo ko sa balikat niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko. Ganoon lang kami hanggang sa narinig ko siyang nagsalita. "You really love him."

It was not even a question but I still nodded as I smiled sadly. "Yes, Ma," I answered, took a deep breath as earlier replayed in my head again. "But not as much as he loves me."

Inunat ko na ang ulo saka diretsong tiningnan si Mama. She gave me a small smile like she was already expecting me to say more. And I did. A painful sob escaped me. "He proposed."

Mama shot her brows up, a look of surprise flashed on her face but it was instantly gone as she gave me her normal expression, telling me to go on.

"Kagabi, pinlano ko na lahat ng gagawin, lahat ng sasabihin," patuloy ko. "Akala ko magiging madali lang ang lahat. Like we would just let each other do things on our own for now, tapos baka pwedeng kapag maayos nang lahat, saka naman namin isipin namin 'yung sa aming dalawa. But he proposed, said he wanted to be with me for the rest of his life. Napakasigurado niya, Ma."

Hindi ko na napigilan at nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha, pero maagap ko ring pinunasan ang mga iyon. "Napakasigurado niya sa aming dalawa, sa akin. Sa nararamdaman niya para sa akin. Gusto ko na pong 'wag umalis kanina. Na manatili na lang dito. May bahagi po sa akin na gustong wag iwan si Slade pero...alam kong magiging unfair lang ako sa kanya. Lalo na pagkatapos ng mga sinabi niya, mas napagtanto ko lang na hindi pa po ako handa. At alam kong hindi ko mabibigay ang pagmamahal na dapat para sa kanya kung ako mismo sa sarili ko, may ibang bagay pa ring hindi naaayos.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now