sixty-two

13.7K 440 71
                                    

Sixty-Two: The Truth

"I hate you, you know that? I really really hate you," galit kong sabi sa kausap sa kabilang linya. He deserved it for what he did.

I heard a frustrated groan before he talked, "He begged for it. I couldn't say no."

"That's it?" galit ko pa ring tanong. "Dahil lang nagmakaawa siya, ibinigay mo na ang number ko, Miles? Didn't I just told you about how he cheated on me?"

Napabuntong-hininga si Miles. "Pinakinggan mo ba naman siya, CN?"

Hindi ako nakasagot. Una, dahil hindi niya sinagot ang mga tanong ko. Pangalawa, bakit parang may kakaiba sa tono ng boses niya, na para bang hinihiling niya na sana pinakinggan ko si Slade. And to answer Miles' question, no I didn't listen to him. Paano ko nga ba papakinggan si Slade kung pagkatapos mabosesan kung sino ang tumawag ay agad ko nang i-end ang tawag. At nang makita ulit ang unregistered number sa screen, in-off ko na ang cell phone.

At pagkatapos nga nang ilang oras bago ko na ito binuksan at nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala naman akong bagong texts. Doon ko na tinawagan si Miles at nilabas ang galit sa kanya.

"You should've listen to him, CN," sabi pa ni Miles nang hindi ako sumagot. See, he fully know me well. Alam niyang hindi ko pinakinggan si Slade.

I dropped my voice and asked, "Why?"

"It's not my story to tell, CN," sabi niya. "But what I know is that he's worth it."

I scoffed. "You're changing sides now? Ako ang naagrabyado, Miles," paalala mo sa kanya.

"I'm not taking sides, CN," tutol niya. "Okay, maybe I did, pagkatapos mong ikwento ang lahat, I sided on you but now, I just want to be neutral. I forgot I didn't know about Slade's side and—"

"Are you telling me you guys talked already? Na nalaman mo na ang side niya at ngayon mas pinapanigan mo siya?"

"Just hear him. That's what I only can say to you."

Napailing ako. Hindi ko alam kung kaya kong gawin iyon ngayon. I was just not ready. Masyado pang bago ang sugat sa puso ko dahil sa ginawa ni Slade. Parang hindi ko kakayanin kung mas lumalim pa iyon na alam kong mangyayari oras na magkaharap o magkausap kami. So, I told Miles, "I don't think I can do that right now."

"Okay, I understand," came his defeated answer. "But what about school? Ano nang plano mo?"

Kagabi ko pa iniisip kung anong gagawin tungkol sa pag-aaral ko sa Gainesville. Parang malaki kasing bahagi ng sarili ko ang gusto na lang manatili dito sa Baguio. Pero, ayaw ko pang magdesisyon tungkol doon ngayon lalo pa't alam kong malaki ang magiging epekto ng nararamdam ko dito. Pero, kukuha ako ng exam. Tama si Miles. Hindi ko hahayaan na pati ang pag-aaral ko ay masira dahil lang sa nangyari lalo pa't kaunti na lang at matatapos na rin ang semester.

"I'll take the exam next week, don't worry."

"That's good to hear," dinig ko ang saya sa boses ni Miles. "See you then next week."

"Yeah, next week," sagot ko. Pagkatapos noon ay nagpaalam na rin siya. I dropped the phone on the bedside and Miles' words still kept on playing on my head: 'Just hear him.'

-=-=-=-=-=-

Sabado ng gabi nang magpaalam kami ni Mama kina Lola para lumuwas papuntang Manila. We agreed we would stay in Tita Lanie's place. Ayaw ko muna kasing bumalik sa unit ko.

Tita Lanie didn't know anything. Ang alam niya lang ay naatake si Lola at isinugod sa ospital. Pero, hindi sinabi ni Mama ang tungkol sa akin at sa mga pictures. Kaya naman nang makarating kami doon sa bahay nila ay panay ang tanong niya. Hindi kasi namin siya nasabihan na sa kanila muna ako tutuloy ngayon at sa mga susunod pang mga araw.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now