nineteen

26.3K 555 29
                                    

Nineteen: Need a Prince

"Just keep your eyes close," dinig kong sabi ng babaeng nagmemake-up sa akin.

Kanina ko pa gustong buksan ang mga mata. Kanina ko pa gustong makita kung ano ng itsura ko ngayon. But the lady kept on insisting my eyes should be closed. At hindi ko naman alam kung bakit. Tapos naman na siyang lagyan ako ng eye shadow.

Elena, as what I heard my mother called her, was one of my tita Lanie's make-up artist in her beauty salon. Nang malaman ni Mama na sasali ako sa parade para sa college week, sobrang excited siya at pinilit na siya na ang bahala para sa mag-aayos sa akin.

Kaya naman hindi na ako nagtaka pa nang makitang may kasama siyang isang babae nang kumatok siya sa unit ko ng Lunes ng umaga. It was later that I've got to know she was working in my aunt's salon.

She kept putting stuff on my face. Mga ilang minuto din ang lumipas bago niya sabihing pwede ko ng buksan ang mga mata ko. Noong una, in-adjust ko muna ang mga mata sa liwanag. Then, I saw mother sitting on my bed having this beautiful smile on her face as she looked at me. Nakadagdag lang yung tuloy sa kagustuhan kong makita na ang itsura ko ngayon.

Nalipat ang tingin ko kay Elena na ngayon ay nakangiti din sa akin. "Pwede mo ng tingnan ang ayos mo."

Tumayo naman ako at naglakad papunta sa cabinet kung saan nandoon ang full length mirror.

I blinked my eyes, not believeing what I was seeing right now. Ako ba talaga ito?

I really looked like Cinderella right now. From the blue gown, my hair and the make-up. Ang tanging mukhang out of place lang ay ang buhok ko. The color should be lighter like Cinderella's.

Ang totoo, isang araw ko ding pinag-isipan kung sino ang ipoportray ko. At wala na akong maisip na iba pang character maliban kay Cinderella.  Maybe, because I could relate myself to her a little. She didn't have freedom. Nabuhay siyang sunod sa utos ng evil stepmother niya at stepsisters. Well, my grandparents were far from being evil, but I surely didn't have freedom when I was with them.

"You look lovely, CN," sabi ni Mama sa tabi ko.

Ngumiti ako sa repleksyon niya sa salamin. "Well, Elena did a great job," sagot ko.

Napailing lang si Elena. "Bakit hindi mo pa isuot ang glass shoes mo? Baka malate ka na sa party sa palasyo."

I just rolled my eyes playfully at her joke. Lumapit ako sa couch at  kinuha ang box ng sapatos  na nakapatong dito at binuksan ito. Binili ito ni Mama kahapon nang pumunta kami sa mall pagkatapos kunin ang gown sa boutique. Naabutan pa nga kami ni Miles doon nang kunin niya din ang costume niya. At wala na akong nagawa kundi ang ipakilala siya kay Mama. And they talked. And I was sure na mas marami pa silang napag-usapan sa iilang minutong magkasama sila kesa sa aming dalawa ni Miles na halos isang buwan ng magkaklase.

Nang nasa sasakyan nga kami, walang tigil si Mama sa pagbanggit kay Miles. She said that Miles was a good-looking guy and he seemed nice. Blah. Blah. Blah. Kulang na nga lang sabihin niyang pag niligawan ako nung tao ay okay sa kanya.

I shook those thoughts away from my mind and slipped the shoes on.

Nang makapagbihis na ako at okay na ang lahat, umalis na kaming tatlo sa unit ko at bumaba ng ground floor.

Heads turned on my direction once we've reached the lobby. Narinig ko pa si Mama nang inexplain niya na may event sa school kaya ganoon ang itsura ko. I just shook my head. My mother was always like that, very friendly and approachable. The total opposite of me.

Nauna na akong naglakad papunta sa labas. At pababa na ako sa limang baitang na hagdan sa may entrance nang maalis ang isa kong sapatos sa pangalawang paghakbang ko pababa. Seriously?

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now