five

36.8K 832 65
                                    

Five: Not That Kind of Girl

Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Kimberly tungkol kay Slade.

I never pegged him as a bad boy. I mean, he wasn't like that nung nakilala ko siya. Maybe, an egoistic jerk but never a ruthless bad boy.

Ang dami ko pang gustong itanong kay Kimberly kanina, kung bakit hindi pa nakikick-out dito sa school si Slade at kung anong nangyari sa mga nakaaway niya. Why is he like that and stuff. Pero malapit ng mag-umpisa ang klase at kailangan na naming pumasok. Pero nagsabi naman si Kimberly na susunduin niya ko sa room ko at sabay na daw kaming maglunch.

Lutang pa din ang isip ko nang nilingon ako ng kaklase ko at sinabihan, "Ikaw na ang next."

And with that, I was back to reality. Kasalukuyang nagpapakilala ang bawat isa, yun kasi ang instruction ng prof namin sa Basic Accounting pagkatapos niyang ipakilala ang sarili sa klase kanina. Tumayo na ako at lahat ng atensyon ay nasa akin na.

"Good morning Ms. Isla," bati ko sa prof kong forty plus na ay dalaga pa din tapos tumingin na sa mga kaklase ko. "Good morning classmates. I'm Celestine Noelle Santana. You can call me CN or Noelle but never call me Celestine or else I won't forgive you. I'm 18 and studied at St. Mary's Academy, graduated as valedictorian. I never cheat and I hate cheaters."

Napangiti yung prof namin sa huli kong sinabi samantalang nakakuha naman yun ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga kaklase ko. I just shrugged. Mas maganda ng mas maaga ay malinaw ang lahat. At ngayon ay di ko alam kung may gusto pang kumaibigan sa'kin. Pero mas pabor nga sa'kin yun eh. By that, I could save myself from plastics and backstabbers. Masyado na kong maraming nakadeal na ganoon sa high school life ko.

So my plan, get through with college on my own.

-=-=-=-=-=-

Maaga nagpadismiss yung sumunod kong professor dahil first day pa lang naman daw. At gaya nung nauna, more on getting to know each other lang ang drama.

At nakakatawa na tama ang hula ko. Walang gustong kumaibigan sa akin. Paano, yung iba nag-uumpisa ng mag-usap tapos sabay na maglalunch pero sa akin wala man lang ni isang nagbalak na kumausap. Tapos absent pa yung seatmate ko. Hay. Hayaan mo sila.

Pagkatapos kong mailagay ang notebook sa shoulder bag, tumayo na ako at lumabas na ng classroom. Pababa na dapat ako ng hagdan nang may narinig na tumawag sa akin.

Fita. Si Kimberly pala.

Nilingon ko siya. At yun, nakita siyang nakangiting papalapit sa akin. Smiling face talaga ang babaeng 'to.

"Akala ko ba sabay tayong maglunch?" tanong niya. "Bakit parang iiwanan mo na 'ko?" pabiro niyang habol.

I sighed. Okay, she needs to know about my issue with people. "Sorry Kimberly but I don't make friends."

"Ha?" gulat niyang tanong.

"C'mon I know you're expecting me to be friends with you kaya mo 'ko sasamahan sa lunch ngayon pero di ako nakikipagkaibigan, sorry," sagot ko.

"Ang prangka mo," mahina niyang sabi tapos tinignan ako. Matagal bago siya nagsalita ulit. "Ayaw mong makipagkaibigan, fine," suko niyang sabi.

Akala ko aalis na siya at iiwanan na ako pero nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso. "Tara sa cafeteria."

"Anong ginagawa mo?" taka kong tanong sa kanya.

"Inaya kitang kumain ng lunch diba? Lets go at isa pa all I am asking is a company, not a friend," sagot niya tapos nginitian niya ako.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now