twenty-six

26.4K 615 87
                                    

Twenty-Six: Bipolar Bad Boy

Kung magkakaroon ako ng sariling dictionary, isa lang ang ilalagay kong kahulugan ng salitang bipolar at yun ay si Slade.

After he left me on the rooftop, I didn't see him in his unit when I went there. Hindi ko na lang siya hinanap pa at natulog na lang ulit. Nang makagising ako ay mag-aalas siete na ng umaga at hindi ko pa rin nakita si Slade. Ang tanging nakita ko lang ay isang note na nakalagay sa mesa niya sa dining area kung saan ay may iniwan rin siyang breakfast para sa akin. Your new keys, tanging 'yun lang ang nakalagay sa papel. At alam kong ang tinutukoy niya ay 'yung susi sa bagong lock ng pinto ko.

Hindi ko na pinansin pa ang pagkain at naglakad agad papunta sa unit ko. When I entered my room, I noticed that everything was still in place. Walang naiba, maging 'yung mga gamit ko ay nakakalat pa rin sa study table. I thought of texting Slade to thank him but I decided not to. May pasok naman siya ngayon. Maybe, it was better to thank him personally.

Kaya naman nang makarating ako ng Gaynesville, agad na hinagilap ng mga mata ko si Slade, umaasa na makikita siya. And I did. Tamang-tama bago ko marating ang buiding namin, nakita ko si Slade na palabas ng sasakyan niya. Inihanda ko ang sarili ko para iapproach siya nang biglang bumukas ang pintuan ng passenger's side at mula doon ay lumabas na naman si Keara.

Magkasama na naman sila. Agad kong napansin na halos lahat ng tingin ng mga estudyante ay napunta sa kanilang dalawa na tila ba may aristang dumating. Kita sa mga mukha ng ibang babae ang inggit kay Keara samantalang yung iba ay hindi inaalis ang tingin kay Slade.

Inalis ko ang tingin sa kanila at inilipat kay Slade. Diretso ang tingin niya sa building. I turned my nose up. So, nagpunta siya kay Keara kaya ang aga niyang umalis kanina. And the peculiar feeling was back again. I couldn't even name it. Basta, ang alam ko lang hindi maganda ang pakiramdam na ito. Parang may bahagi ng puso ko ang nilulukot.

Patuloy pa sa paglakad si Slade papalapit sa building, papalapit sa kinatatayuan ko. Maya-maya pa, nalipat ang tingin niya hanggang sa magtama ang mga mata namin. I forced out a smile. Maybe, it was the right time to thank him. But to my utter surprise, Slade remained poker-faced. Ganoon lang ang itsura niya hanggang sa umiwas na siya ng tingin. Naabot niya ang pwesto ko nang hindi man lang ulit niya ako tinapunan ng tingin. Mabuti pa si Keara na kasunod niya lang ay ngumisi sa direksyon ko na sinagot ko naman ng isang irap. Obviously, she remembered me.

And that was it. The two of them were gone as they rode the elevator.

-=-=-=-=-=-

Nang dumating ang lunch break, hindi mawala ang tingin ko sa isang taong kanina pa laman ng utak ko. Kanina ko pa kasi iniisip ko kung anong magandang murder plan para sa kanya. Gawan ko kaya siya ng cake na may lason tapos iwanan ko sa labas ng unit niya o hindi kaya naman itulak ko na lang siya mula sa rooftop ng Montereal Place.

Hay. Para akong baliw. Paano, sino bang hindi mababaliw sa pagka-bipolar ni Slade? Last night, I thought we were fine. Pero ngayon, pagkatapos ng inasal niya, hindi ko na alam. Ang totoo, basta kay Slade, hindi ko na talaga alam kung anong iisipin. Ang gulo niya. Ang gulo-gulo, sobra.

Huminto si Slade sa pagkain tapos nakita kong may kinuha siya sa bulsa, yung cellphone niya. Tiningnan niya ito samantalang si Keara naman ay parang in love na in love na pinagmamasdan siya. Actually, hindi lang si Keara kundi pati na rin yung mga kaibigan ng huli na nakapalibot sa kanila ngayon. Hindi na nga nila pinapansin yung pagkain nila e. Lahat ng mga mata nila ay na kay Slade na para bang ito ang lunch meal. I rolled my eyes again.

Bigla ko namang naramdamang nagvibrate ang phone ko. I got it out from my pocket and checked the message. 'What?'

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa text ni Slade. He did know I was looking at him. Buong akala ko ay hindi niya ako napansin. Paano nasa pagkain niya lang ang buong atensyon niya. I rolled my eyes and brought my phone back to my pocket. Hindi na ako nag-abala pang magtype ng reply at umayos na rin sa pagkakaupo. I was still pissed at him for what he did earlier. Pinagmukha niya kong tangang nakangiti sa kanya tapos hindi niya ako pinansin. And now, he had the guts to text me? Wow, just wow.

Bad for You (GU #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum