fifty-seven

17.7K 470 20
                                    

Fifty-Seven: The Letter

My week was spent with school activities, tutoring Kimberly, and reviewing for finals. Si Slade naman ay ganoon din. Lalo pa't pinaaga ang mga deadlines ng mga project niya. Isabay pa 'yung paghahanap niya kay Lyra. He hired a private investigator for it. Tutol talaga ako doon, parang sobra naman kasi 'yun. But Slade really insisted. Para mapabilis na rin daw ang lahat. So I gave in and just let him do what he wanted. And now, we were just waiting for any lead.

Kahit sa pareho naming busy na schedule, nagagawa pa naman naming magkita ni Slade, maging mag-usap. Iyon nga lang ay parang kulang pa rin. At nakakaramdam na rin ako ng pagkamiss.

Miyerkules ngayon. Dapat ay rest day ko pero nandito ako sa apartment ni Kimberly. I wasn't supposed to meet her today but she told me she has an exam tomorrow; and she didn't feel ready. Kaya nandito ako ang tutor-to-the-rescue.

"Bale, kasi kukunin mo muna 'yung total nito bago—" Nahinto ako sa pagtuturo kay Kimberly dahil sa pagtunog ng phone ko. Kanina pa 'yan. At alam na alam ko kung sino ang kanina pa tumatawag. Hindi ko pa iyon nasasagot dahil nga nasa importante na kaming topic. At isa pa, sandali na lang matatapos na rin kami.

Nang tumigil na ang pagtunog at hindi ko na nakita pa ang mukha ni Slade sa screen ay hinarap ko ulit si Kimberly. "Saan na nga tayo?"

Pero sasagot pa alng siya nang tumunog na naman ang cell phone ko. Natawa si Kimberly tapos ay napailing. "Okay lang," sabi niya. "Sagutin mo muna 'yan, baka importante."

Tiningnan ko muna siya, pinag-isipan kung anong gagawin hanggang sa tumango. "Okay. Saglit lang ha."

Hinintay ko pa siyang tumango bago tumayo at inabot ang cell phone sa mesa at naglakad palabas ng apartment niya.

"Hey," I answered cooly. "What's up?"

"Do you know what time is it?"

Nagkunot ako ng noo. Ano? Tinawagan niya ako para tanungin ang oras? "What? Don't you have your watch or your phone—"

"It's already 2pm, Celestine."

What? Inalis ko ang cell phone sa tenga at sinilip ang oras, pasado alas dos na nga. Fita. Bakit hindi ko namalayan ang oras? Ni hindi pa nga ako nakakaramdam ng gutom. Ugh. Because Kimberly and I already ate brunch before we studied. Kaya busog pa ako hanggang ngayon. At pagkatapos naman n'un ay hindi kami halos tumayo na ng upuan.

And I was meant to stay here until two pm. Babalik pa kasi ako ng Montereal Place dahil dadaan dun si Tita Ver. Sa isang araw na kasi ang alis nila papuntang US kaya naisipan ni Tita na ngayon na lang kami lumabas dahil wala rin naman akong pasok.

"Sorry," sabi ko. "Hindi ako tumitingin sa oras. Akala ko maaga pa. Tatapusin ko lang sandali ito tapos uuwi na ako. Nasaan na pala ang Mommy mo?"

"Wala pa naman siya dito pero nagtext na siya na papunta na. Actually, I'm here at the mall, bumili na ako ng gift para kay Hanzel. Hindi ba sabi mo malapit lang 'yan sa mall? I can pick you up. Just text me the details on how to get there from here."

"Okay, I'll just ask Kimberly. Hindi ko kasi gan'un natandaan 'yung daan e."

"Alright. Just text me asap."

"Yeah. You take care."

"I will. See you."

Nang dumating si Slade ay hindi pa rin kami tapos kaya hinintay niya pa kami. Buti na lang ay medyo nag-stay pa si Tita doon sa bahay ng kaibigan nito kaya nang umuwi kami ng Montereal ay sakto lang na kararating nito.

Pinilit kong sumama si Slade sa paglabas namin ni Tita Ver pero hindi siya nagpapilit. Girl bonding daw at dapat ay wala siya doon. Tita did nothing to help me. Tinawanan lang 'yung anak si Slade. Kinakabahan lang naman kasi ako kaya ko pinapasama si Slade. Kahit pa kasi sabihing nakasama ko na si Tita Ver noon at mabait naman ito ay hindi ko pa rin maipanatag ang loob.

Bad for You (GU #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon