eleven

33.4K 709 24
  • Αφιερωμένο στον/ην ayanika
                                    

Eleven: The Devil's Place

Hindi ko alam kung gaano ko katagal tiningnan si Mr. Tolentino. Basta ang alam ko lang di ako makapaniwala sa sinabi niya. Ayaw na akong makapartner ni Slade?

Alam ko dapat matuwa ako dahil sa wakas nangyari na din ang gusto kong mangyari. Slade woudn't be my partner anymore.

Pero hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam din ako ng disappointment. Yes, it might sound really weird but I did feel mixture of both.

I cleared my throat. Kanina pa pala ako hindi nagsasalita at hinihintay na ni Mr. Tolentino ang reaksyon ko.

"Ibig po bang sabihin mag-isa na lang akong magpapasa ng project?" takang tanong ko.

Mr. Tolentino shook his head. "No, Ms. Santana. Mr. Montereal just asked me but I didn't say yes," he explained. "Maliwanag ang usapan sa klase na by pairs ang paggawa ng project at mananatiling ganoon yun. So, whether the both of you like it or not, you're still going to be partners."

Napakunot ako ng noo. What? "But, Sir, sabi niyo po na ayaw na kong makapartner ni Slade. Paano po yun?"

He shrugged. "Then, whatever problem you two have with each other, you need to set aside that. Take this project as a serious business. Lalo ka na, Ms. Santana, I saw your high school record. I am sure you don't want to have an incomplete grade with a minor subject like Philippine History, right?"

Oh fudgee barr. Ibig sabihin, partner pa din kami ni Slade. Gagawin pa din namin ang project na magkasama. Pero paano yun kung ayaw niya na akong makapartner? Argh. Isa na namang problema.

Tumango na lang ako kay Mr. Tolentino. "Yes, Sir."

"Okay, you can go back to your class now," sabi niya. "Pinatawag lang talaga kita para mainform ka."

Tumango ulit ako. "Thank you po, Sir. Sige po mauna na ako."

-=-=-=-=-=-

Hindi na nangyari pa ang gusto ko—ang huwag isipin si Slade at magfocus sa klase. Dahil, bawat segundo na nakaupo ako sa loob ng classroom, siya at siya pa din ang naiisip ko.

Bakit niya ginawa yun? Bakit niya sinabi kay Mr. Tolentino na ayaw niya na akong makapareha?

Hindi lang talaga ako makaisip ng dahilan. Nakakapagtaka lang talaga dahil kung may pupunta man kay Mr. Tolentino para sabihing ayaw makapartner ang isa sa aming dalawa, ako yun at hindi siya.

Ano bang iniisip ng demonyitong yun?

"CN."

Nagulat ako nang biglang may tumawag sa akin. Napatingin ako sa gilid at nakitang nakatingin sa akin si Miles.

"Bakit?"

"Uwian na," sagot niya tapos lumipat ang tingin niya sa notebook ko. "Okay ka lang ba?"

Napunta din ang tingin ko dito at napangiwi nang makita kung anong nakadrawing dun. Argh. Nagsketch ako ng devil at hindi pa nga tapos ang isa nitong sungay.

It didn't look creepy, though. Mas nakakatawa pa nga e. Hindi naman kasi talaga ako magaling magdrawing. Basta nakasanayan ko na lang magguhit ng kung anu-ano kapag bored o may malalim na iniisip.

Agad ko itong hinablot at inilayo sa paningin ni Miles. Nang tumingin na ako sa kanya ay nakatingin na siya sa akin. Bigla ko namang naalala ang tanong niya.

Umiling ako. "Wala," sabi ko at dinampot na din ang bag. "Sige, mauna na ako."

Hindi ko na hinintay pa siyang sumagot at tumayo na at naglakad papuntang pintuan. And I was glad he just did let me.

Bad for You (GU #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα