forty-six

20.7K 483 55
                                    

Forty-Six: When It Rains

Habang nasa byahe pabalik sa Montereal Place ay hindi mawala sa isipan ko ang nangyari sa museum. Was Frank really following me? Kung ganoon, bakit parang nagulat siya nang makitang nandoon din ako. At yung babala niya, sino bang tinutukoy niya? Kanino ako dapat hindi magtiwala?

There were only few people in my life now. And as far I know, they were all trustworthy. Kaya naman hindi ko maintindihan kung anong pinagsasabi ni Frank. Kaya malamang na gawa-gawa niya lang iyon. Pero ano namang makukuha niya kung maniniwala ako sa kanya?

Maybe, Frank was just trying to mess with my head. For whatever reason, I didn't know. I breathed deeply. How I wished I could just forget about it easily. Pinilit kong alisin sa isipan ang nangyari kanina at itinuon ang atensyon sa mga establisyamentong nadadaanan namin.

"Do you want me to make you some hot compress?" Narinig kong tanong ni Slade nang makapasok kami sa unit ko. Dumiretso muna ako sa kama't umupo bago siya hinarap.

"Wag na," sagot ko. "Hindi naman na ganoon kasakit."

"You sure?"

Nagpilit ako ng ngiti at tumango. "Yes, it's really fine. Papahinga ko na lang siguro."

Pagkasabi n'un ay itinaas ko na ang mga paa sa kama saka humiga. I really felt bad lying at Slade. Pero, ano bang magagawa ko? Kung sasabihin ko ang nangyari sa kanya kanina ay sigurado akong mag-aalala lang siya at ayaw kong mangyari 'yun.

"Are you really okay, Celestine?"

Nagitla ako nang marinig ang boses niya. Hindi ko namalayan ay nakatulala na pala ako. Inilipat ko ang tingin sa kanya at saka ngumiti. "Yeah."

Tiningnan niya lang ako, parang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. Noong una, natakot ako na baka mabasa niya ang totoong nasa isipan ko pero nang ngumiti na rin siya at nagsimulang lumapit sa akin ay nakahinga na ako nang maluwag. Umupo siya sa gilid ng kama at inabot ang buhok ko, marahang hinaplos ito. "You know if you need anything, you can tell it to me."

I smiled as I looked up at him. "You here beside me, Slade. That's all I need."

Mas napangiti pa siya doon. Then he started to lean down. At awtomatiko namang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. It was like all the nerves in my body were anticipating what Slade was about to do.

And I couldn't wait. Pinipigilan ko lang ang sarili na ilagay ang kamay sa leeg niya at hilahin siya papalapit sa akin. Inilipat ko na ang tingin sa mata niya at napalunok ako nang makitang parang replika lang ng nararamdaman ko ngayon ang nasa mga mata niya. Desire. Want. That was what those orbs held.

Mas bumaba pa siya sa akin at nang iilang sentimetro na lang ang layo niya sa akin ay bigla namang tumunog ang cell phone niya. That stopped him then he leaned away, grumbling. Pinigilan ko naman ang sariling matawa. His reaction was just so funny. Ang bilis kasing nagbago ng ekspresyon ng mukha niya. From that smoldering look to an irritated one now. Para lang siyang batang inagawan ng candy.

"You should answer that," sabi ko nang tumagal ay hindi pa rin niya pinapansin ang kanina pa nagri-ring na cell phone.

Pinaikot niya ang mga mata. "It's nothing."

"At paano mo nalaman?" usisa ko. "C'mon, Slade, you should answer that. What if it is important?"

Umiling siya tapos ay nagsimulang lumapit na naman sa akin, tuluyan nang hindi pinansin ang tawag. "Nothing is more important than what I am about to do to you now."

Tumigil na rin ang pagtunog at binigyan ako ni Slade ng tingin na para bang sinasabi niyang maging kung sinuman ang tumatawag kanina ay nakiayon sa sinabi niya.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now