twenty

26.3K 651 97
                                    

Twenty: Stay Away

The monster continued to make his advances on me. Mas bumaba pa ang bibig niya sa katawan ko hanggang sa maabot nito ang neckline ng damit kong suot. Gumapang din paitaas ang kamay niya.

I tried my hardest to fight back. But my strength was nothing compared to him. I was laid down there below him, helpless.

When he started to tug my shorts down, my fear reached a higher level. Pero bago pa man niya ito tuluyang maibaba, nakita kong bumukas ang pinto. And the next thing I knew, the guy was pulled away from me.

Hawak-hawak siya sa kwelyo, nakita ko kung paano siya pinagsusuntok ng lalaking bagong dating. My assaulter didn't even managed to throw a punch back at my rescuer. Kinuha ko naman ang pagkakataon para maayos na makaupo. Masakit pa rin ang pisngi kong sinampal nung lalaki, maging yung tyan ko. But I was really thankful that God heard my prayer. Someone came to save me.

Inabot ko ang kalapit na pader at pinilit na makatayo. I looked at them. Nakahiga na yung walanghiyang lalaki ngayon sa sahig, sapo ang pisngi na ngayon ay namamaga na.

The monster was saying something to the other guy but I couldn't make out if what was it. Ang tanging naiintindihan ko lang ay ang mga salitang "tama na" at "please".

Inilipat ko ang tingin sa nagligtas sa akin. Doon ko pa lang napansin na nakacostume siyang tulad ng sa isang prinsipe. Lumingon siya sa direksyon ko. Si Miles.

Ang galit sa mga mata niya ay napalitan nang makita niya ako. And before I knew it, he was walking toward me. He touched my shoulder and I flinched. Agad kong iniyakap sa sarili ang mga kamay. Pakiramdam ko yung lalaki pa rin ang humawak sa akin.

"You're safe now," mahina niyang sabi, may himig ng pag-aalala ang boses niya.

Tumango lang ako.

Suddenly, through my peripheral vision, I saw the guy was starting to stand up. Kinabahan na naman ako. Nang makita ni Miles ang reaksyon ko, nilingon niya rin ang lalaki. He muttered a curse when he saw what the guy was doing and instantly went up to him.

Hinawakan ni Miles ang braso nung lalaki. "Saan ka pupunta? Akala mo ba makakatakas ka sa ginawa mo?"

"Please, wag niyo akong ireport. Hindi pwedeng malaman ng pamilya ko ang ginawa ko," pagmamakaawa nung lalaki. At kung paanong nakakatakot siya kanina ay kabaligtaran naman ng itsura niya ngayon. Nagyon ay para siyang isang kaawa-awang tupa.

"Dapat naisip mo yan bago mo pinagtangkaan si CN," sagot ni Miles.

The guy shook his head. "Wala akong balak na gawan siya ng hindi maganda," tanggi niya. "Gusto ko lang gumanti kay Slade sa ginawa niya sa kaibigan ko. Gusto ko lang takutin ang girlfriend niya."

I snorted. Wala pala ha. Kaya pala nagawa niya kong saktan, suntukin at sampalin. I really wanted to argue. Pero parang nawalan na ako ng lakas dahil sa nangyari at pinili na lang na manahimik.

"Dapat sinigurado mo munang tama yang impormasyon mo. Hindi siya girlfriend ni Slade," galit na sagot ni Miles.

"I'm sorry," patuloy na pagmamakaawa nung lalaki. "Please wag niyo akong ireport. Magdadrop-out na ako. Hindi na ako magpapakita sa inyo kahit kailan. Parang awa niyo na. Please. Masisira ang pangalan ng pamilya ko kapag lumabas ito."

The guy started to bend down on his knees. Hanggang sa namalayan ko na lang nakaluhod na siya sa direksyon ko. "Please, please, I'm begging you, let me go. Wag niyo akong ireport, please. I swear hindi niyo na ako makikita pa. Hindi ko na kayo gagambalin pa. Please."

He looked so sincere doing that. Mukhang masyado niya talagang pinapahalagahan ang pamilya niya. Pero kaya ko bang hayaan na lang siyang hindi maparusahan sa ginawa niya sa akin? He deserved to be punished. Kahit pa sabihing gusto niya lang akong takutin, he still went overboard, sinaktan niya ako.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now