twenty-three

24K 577 35
                                    

Twenty-Three: Stay The Night

I rolled my eyes for the nth time. Paano, kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng gate ng Paco Park, hinihintay ang partner kong dumating. I glanced at my watch again, twenty minutes after nine. Nine ang usapan at dalawampung minuto na siyang late. Argh.

Malinaw ang usapan namin kahapon na bawal malate dahil dalawa ang pupuntahan naming historical sites ngayong araw. Actually, after he texted me that night, constant na yung palitan namin ng texts. Of course about sa project lang. Ang totoo nga, hindi na ako nakatanggap pa ng good night message sa kanya. That Sunday night's text was the first and last.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at nagtype ng message sa kanya. 'It's already past nine. Nasaan ka na?'

Ibinalik ko na ang phone sa bag. Nakavibrate mode naman yun. I would know if he texted back.

Pinagkrus ko ang dalawang braso at pinalipat-lipat na naman ang tingin sa magkabilang side ng daan. Saan kaya yun manggagaling?

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko nakitang dumating ang isang pamilyar na sasakyan. At dumating na rin. Ipinark niya ang sasakyan sa kabilang side ng gate, katapat lang ng kinatatayuan ko. Tapos lumabas na siya at hindi ko na naman mapigilang hindi paglakbayin ang mga mata sa kanya. As usual, he was wearing a simple shirt and jeans but he looked like he just stepped out of a magazine.

"You're late," bungad ko sa kanya nang makalapit siya sa akin.

He didn't answer but just ran his fingers through his already messy hair. Parang kakagising lang. Naligo na ba ang isang ito? Isang tanong na hindi ko masasagot dahil lagi naman siyang mabango. Hmp.

Magsasalita sana ako ulit nang makitang bumukas ang pintuan ng passenger side ng sasakyan niya at lumabas doon ang isang babae. Si Keara. Okay, magkasama silang dalawa.

Pinagmasdan ko lang si Keara na ngayon ay naglalakad na papalapit sa amin. She was wearing one of her super little dress. Halos wala ng maiwan sa imahinasyon ng kung sinumang makakakita sa kanya dahil sa sobrang ikli. Argh. Bakit ba siya dinala dito ni Slade?

Inalis ko na ang tingin kay Keara at inilipat ito kay Slade. I raised a curious brow at him which he just returned by a smirk. Jerk.

I shook my head at him. Ngayon, nagkakaroon na ng imahe sa isipan ko kung bakit siya nalate. Did they...Ugh. Whatever.

Tinalikuran ko na siya at dumiretso na sa bilihan ng ticket. I needed this to get over and done with. As soon as possible.

-=-=-=-=-=-

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang inikot ang mga mata. Paano, kanina pa reklamo nang reklamo 'yang si Keara. Simula nang maglibot kami ay wala nang lumabas mula sa bibig niya kundi, 'Matagal pa ba?'

Hay. Isa pang sabi nya n'un, ililibing ko siya ng buhay doon sa unang pinaglibingan kay Rizal.

"Matagal pa ba, Slade?" maarte na naman niyang tanong.

I clenched my fists. No. Pigilan mo ang sarili mo, CN. Pasensya pa. Pasensya.

I blew out a deep breath then took my camera out of my bag and start taking pictures again. Naglakad pa ako at itinuloy lang ang ginagawa. Maya-maya, naisipan kong pagawain si Slade. Unfair na ako lang ang kumikilos.

"Slade, why don't you take—" Natigilan ako sa sinasabi nang lingunin ko siya at hindi siya nakita doon. Tanging ang nandoon lang nakatayo ay si Keara, halatang bored na bored na.

"Hindi ka pa ba tapos?" tanong niya saka nagpamewang.

I forced myself not to roll my eyes at her. Hindi ko na lang siya pinansin at sa halip ay nagtanong, "Nasaan si Slade?"

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now