twenty-four pt 2

23.4K 704 77
                                    

Twenty-Four: One Out of Four

Pagkatapos kong mapatuyo ang mga damit ko ay lumabas na ako ng laundry room. Agad na napukaw ng tingin ko ang wall clock sa dingding. Pasado alas nueve na. Magdadalawang oras din pala ako sa loob ng laundry room. Paano, pagkatapos kong idryer ay sinampay ko pa yung damit at tinapatan ito ng fan.

Nakarinig ako ng kalampag sa may kitchen area at alam kong nandoon si Slade. Nakadama naman ako ng kaba; pumasok na naman kasi isipan ko yung kanina. I could still see his face close to mine, how his eyes stared at me, how his lips... Fudgee barr and fita for you, brain. Bakit mo na naman iniisip yan?

Paulit-ulit kong sinampal-sampal ang mukha gamit ang malayang kamay. Naglakad na ako papunta sa kwarto ni Slade at dumiretso sa banyo; kailangan ko nang magbihis.

Nakapagpalit na ako ng damit ngunit hindi pa rin ako lumalabas ng banyo. Hindi ko nga rin alam kung gaano katagal na ako dito. Hindi ko kasi alam kung anong susunod na gagawin. Parang gusto ko na lang magkulong dito tapos lumabas na lang bukas pagsikat ng araw. Ayaw ko kasing makaharap si Slade. Kasi, kahit anong gawin ko, hindi talaga mawala sa isipan ko yung nangyari kanina.

Hay. Pero alam ko namang hindi ako pwedeng hindi lumabas dito. Gagamit si Slade ng banyo. Isa pa, kanina pa kumakalam yung sikmura ko. The last time I ate was during breakfast. Pagkatapos noon, puro intake na lang ako ng liquid. Nakasandal pa rin ako sa banyo nang biglang may kumatok. Agad akong napaunat ng tayo at humarap sa pintuan.

"Celestine," narinig kong tawag ni Slade. Nang hindi ako sumagot ay kumatok ulit siya. "Are you okay in there?"

I breathed out heavily before answering. "Yes."

"When you're done, just go to the dining, the food's ready," he said. Pagkatapos nakarinig ako nang pagbukas at pagsara ng pinto.

Okay. Hindi talaga ako pwedeng magkulong dito. Whether I liked it or not, I needed to face him. Isa pa, parang wala lang naman sa kanya yung nangyari. I could do the same, right? Act like that thing in the laundry room didn't happen.

Nagpakawala pa ulit ako nang malalim na hininga bago binuksan ang pinto at lumabas na ng banyo. Pagkalabas ko ng kwarto niya, dumiretso na ako sa dining area at nakitang naglalagay na siya ng mga plato sa mesa. May box na rin ng pizza sa table at isang bucket ng fried chicken.

Napunta ang tingin sa akin ni Slade. "I hope pizza and chicken is fine."

Tumango lang ako tapos humila ng isang upuan at umupo dito. Pagkatapos namang buksan ni Slade ang box ng pizza, umupo na rin siya sa tapat ko. I waited for him to got a slice first before I got one for myself.

"Nakausap ko pala yung sa maintenance," bigla niyang sinabi. "I asked him to go here earlier tomorrow and he said he'll be here at six a.m."

Napatingin ako kay Slade. Gusto kong sabihin na hindi na dapat niya ginawa yun pero pinili kong wag na lang. Wala rin namang magiging silbi yun dahil nakausap na niya yung sa maintenance. So instead, I just muttered, "Thank you."

He just nodded and we were surrounded by silence as we started to eat.

Lumipas ang oras at natapos na rin kaming kumain. Ngayon nga ay nakaupo na ako sa sala, katatapos ko lang magtoothbrush gamit yung spare na binigay sa akin ni Slade. Siya naman ay nandoon pa rin sa kitchen, naghuhugas. Kanina, sinabi kong ako na lang ang gagawa n'un pero nagpumilit siyang siya na lang kaya wala na akong nagawa pa.

Nalipat ang tingin ko sa TV na kanina pa nakabukas pero hindi ko pinapansin. Paano, iniisip ko pa rin kung saan ako matutulog. I glanced at the couch beside me. I guessed I could sleep in there. Hindi naman ako pwedeng mag-inarte dahil makikitulog lang ako dito. At isa pa, malinis naman daw yan diba?

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now