twenty-nine

28.4K 736 180
                                    

Twenty-Nine: A Bad Thing

Napapikit ako nang marinig na pinagalitan na naman ni Tita Lanie si Elton. Kasalukuyan niya itong binibihisan.

Kaninang umaga nakatanggap ako ng tawag mula kay tita, pinagmamadali niya akong pumunta sa kanila. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit pero halata kong may malaking problema dahil sa boses niya. Kaya naman dali-dali akong naligo't nagbihis at bumiyahe papunta dito sa bahay nila.

Nang makarating ako ay saka ko pa lang nalaman ang nangyari—nagtanan daw ang yaya ni Elton kanina lang madaling-araw. Iniwanan pa raw ng sulat si Tita Lanie at si Elton na panay sorry lang ang laman.

Hindi naman yun matanggap ni Tita Lanie, panay ang talak niya kanina nang dumating ako na para bang ako yung yaya ni Elton at sa akin niya sinasabi lahat ng hinaing niya. Saka lang naalala ni tita yung dahilan kung bakit niya ko pinapunta dito. May pupuntahan pala siyang conference buong maghapon at dahil nga walang maiiwan kay Elton ay pinakausapan niya munang ako ang magbantay dito. I told her I am going out today. Ang sagot niya lang, basta isama ko lang si Elton kung saanman ako pupunta.

Napahikab ako. Kulang ako sa tulog. Paano ay hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kahapon. Wala ni isa sa mga iyon ang inaasahan kong mangyari. But it did happen.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko lang talaga lubos maisip na sasabihin 'yun nina Miles at Slade. Lalong-lalo na si Slade. 'Yung kay Miles, binigyang linaw niya lang yung mga kakaibang tingin na ibinigay niya sa akin nitong huling araw lalo na yung sa kasal ng pinsan niya kahapon. Kay Slade, wala talaga. Hindi ko alam.

Ang labo talaga. O baka naman mali ako ng interpretasyon sa sinabi niya. But if it wasn't what I'm thinking, then what was it? Wala na akong maisip pang iba.

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig na may bumaba ng hagdan. Napatingin ako doon at nakita na pababa sina Tita Lanie kasama si Elton. Agad na binigyan ako ng malapad na ngiti ni Elton. Nagpilit naman ako ng isang ngiti pabalik sa kanya. Hay. Simula na ng isang mahabang araw.

Sabay-sabay kaming tatlo na kumain ng almusal. Pagkatapos noon ay nagbilin pa si Tita Lanie hanggang sa ipahatid na niya kami sa driver papunta sa Fort Santiago.

Last Friday, Slade and I talked about the places we will visit next. At ang napag-usapan nga anmin ay Intramuros at Fort Santiago dahil magkalapit lang naman ang dalawang ito. Nag-usap kaming magkita sa harap ng Fort Santiago ng 8.30 am. Balak ko sanang iconfirm ang tungkol dito sa kanya kahapon pero hindi ko na nga nagawa dahil ang daming nangyari. Kaninang umaga naman, gusto ko sana siyang itext pero hindi ko magawa.

Pero, napagdesisyunan ko naman na dumating man siya ngayon o hindi, itutuloy ko pa rin ang paggawa ng project. Kagabi, napag-isipan ko na kung magiging awkward na sa pagitan namin ay wag na naming ituloy ang pagpunta sa natitirang sites na magkasama. Magkanya-kanya na lang kami sa pagbisita at pag-document tapos ako na lang ang magko-compile ng lahat.

Sa tingin ko nga, mas madali kapag ganoon. Dapat nga naisip ko na ito mula umpisa pa e para hindi na nangyari ang mga bagay-bagay.

Wala pa kami sa kalagitnaan ng byahe nang magvibrate ang phone ko. Ano ba yan, kalahating oras pa lang ang nakakalipas, nag-aalala na si Tita Lanie. Kinuha ko na ang cellphone at natigilan nang makita kung kaninong pangalan na nakaflash sa screen. Hindi si Tita Lanie.

Ilang sandali ko pa itong tinitigan hanggang sa naramdaman ko na naman ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. At kung hindi pa magsasalita si Elton sa tabi ko ay hindi pa ako maaalis sa pagkatulala. "Aren't you going to answer that, Ate CN?"

Binaling ko muna ang tingin kay Elton na busy na sa paglalaro sa iPad niya saka inilipat ang tingin sa cellphone. Pinindot ko na ang answer button at inilapit ang cellphone sa tenga.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now