Chapter 7

34.4K 872 49
                                    

Nagdate lang kami buong araw. Pumuntang amusement park at kung ano anong pinag-gagawa. Ang saya dahil kasama ko siya. Ang saya kasi kasama ko yung taong mahal ko.

"Say ahhh." Utos niya saakin.

Tumawa muna ako bago sundin ang utos niya.

"Ako din." Sabi niya.

Nilahad ko sakaniya ang shawarma na hawak ko. "Say ah."

Ibinuka niya naman ang bibig niya dahilan kung bakit napakagat ko sakaniya ang shawarma.

Tumawa siya noong nakita niyang titig na titig ako sakaniya.

"I'm not an ice cream to melt. But I think because the way you look at me makes to." Sabi niya at tumawa.

Umiling ako at kumagat na lang sa shawarma ko.

After that day, walang pasok dahil Sabado. Napagdesisyunan nila Jai na pumunta dito sa bahay at magswimming.

Nakahiga ako sa sofa ng bigla kong marinig ang sunod sunod na pagdoor bell at tawanan ng barkada sa labas.

Tumayo ako at pinagbuksan sila ng pinto. Ang malapad na ngiti ni Ara at Kinah ang sumalubong saakin.

"Let's bring it on!" Sigaw nila at tumakbo na sa likod ng bahay.

Tumatawa akong umiiling ng biglang may umakbay saakin.

"Hindi manlang nila kinausap muna ang baby ko." Aniya at hinalikan ako sa pisngi.

"Hayaan mo na sila. They're too excited to swim, that's why."

"Wala ba sila Tita?"

"Out of town. Nagkaroon ng problema doon sa isang branch ng boutique ni Mommy sa Cebu."

"Ohh, I see. Tara na?"

Tumango ako at naglakad na kami papunta sa likod ng bahay.

"Manang, pahatid na lang po ng chips at sodas sa pool mamaya. Salamat po." Sabi ko kay Manang ng makita ko siya sa kusina.

"Osige, hija."

Ngumiti na lang ako at naglakad na kami papunta sa pool. Nang makarating kami ay nakita ko agad sila Jai na naglalagay ng sun block. Samantalang ang boys ay nags-swimming na.

"Kylie! Tara na! Hubadin mo na 'yang nakapatong sayo." Sigaw ni Doms saakin.

"Go on. Tayo tayo lang naman ang nandito." Sabi ni Blake.

Tumango ako at tinanggal na ang t-shirt na nakapatong saakin. Naka swim short na din naman ako kaya wala ng problema.

"Fuck. Ibalik mo na pala 'yang t-shirt mo." Utos saakin ni Blake.

Tumingin ako sakaniya at kumunot ang noo. "Bakit? Akala ko ba ayos lang sayo?"

Umiling siya at inilahad ang tshirt ko.

"Wear it again."

"No." Matigas kong sabi.

"I said, wear this shirt again."

Hindi ako kumibo. Imbes, pumunta ako kila Jai na nagseselfie na. Sumingit ako sakanila at nakipose na din.

"Swimming na tayo!" Yaya ni Doms pagkatapos naming magselfie.

Nagk-kwentuhan ang mga lalaki sa isang gilid ng pool pero wala doon si Blake. Bababa na sana ako ng pool ngunit may humawak sa braso ko at hinila ako patungo sa loob ng bahay kung saan walang tao dahil halos lahat ay nasa kusina.

"Hindi ako mapakali hangga't hindi ko nakikitang hindi mo 'to suot! Wear this shirt, Kylie." Seryosong sabi saakin ni Blake.

"No. Ang OA mo, Blake! Tayo tayo lang naman ang nandito. As if they can cheat on my friends!" Inis kong sabi sakaniya.

Campus QueenWhere stories live. Discover now