Chapter 19

29.3K 861 49
                                    

Katulad nga ng sinabi ni Ate, nagmall kami. Nagbonding at kung ano ano pa. Pero lutang ako. Iniisip ko pa din kung sino ang nagbibigay ng note saakin araw araw.

"Sis, I know you're thinking about the person who's giving the note for you everyday. But please, set aside that first." Sabi saakin ni Ate ng kumakain na kami.

"Sorry, ate. Hindi ko lang talaga maiwasang isipin. All the time akala ko ikaw talaga ang nagbibigay saakin nun."

"May nant-trip nanaman sayo." Aniya at kumagat sa pizza niya.

Ilang segundo akong nagisip. At may naisip ako na sana hindi totoo.

"Baka naman may kapatid akong iba?"

At sa sinabi kong 'yun ay napatigil si Ate. Tinignan niya ako saglit at nagiwas na sya ng tingin saakin.

"H-ha? Wala no! K-kami lang kaya kapatid mo."

"Sabagay, kayo lang naman talaga. Wala ng iba."

Nilamon kami ng katahimikan. Tanging mga ingay lang ng mga kasama namin dito sa restaurant ang maririnig mo. Maya maya ay nagsalita din si Ate.

"Let's go?" Aya niya at tumango naman ako.

Bumili lang kami ng make up at lip gloss ko at umuwi na kami. 5pm na din kaya nagdesisyon na kami pauwi.

Habang nagd-drive si Ate ay tahimik pa din kami. Hindi naman ganto si Ate kapag magkasama kami. Nagdadaldalan pa din naman kami kahit nagd-drive siya pero iba ngayon, ang tahimik.

"Ate, what's wrong? Bakit ang tahimik mo?"

Liningon niya naman ako at ngumiti siya. "Nothing sis. Siguro napagod lang ako." Sagot niya at agad nagiwas ng tingin.

Nagkibit balikat na lang ako at tumingin sa bintana.

Nang makarating kami agad sa bahay ay nadatnan namin si Kuya na nanonood.

"Hi Kuya!" Bati ko sakaniya at umupo ako sa tabi niya.

"Hindi niyo manlang ako sinama." Nagtatampong sabi niya.

"Sister's bonding, Kuya." Sagot ni Ate sakaniya.

Nagshrug lang si Kuya at nanood na. Kaya naman niyakap ko siya sa braso niya at sinandal ang ulo ko doon.

"'Wag ka ng magtampo, Kuya."

"Tsk. Namimiss ko na din kasi kayong kasama tapos hindi niyo pa ko inaya."

"Ay sus. Promise Kuya! Babawi kami sayo ni Ate."

"Promise?" Tanong niya sakin.

"Promise."

Tumango siya at ngumiti at nanood ng muli.

*Bzzt Bzzt*

"Kylie sayo 'yun."

"Hindi akin 'yun. Sayo 'yun, Kuya." Sabi ko habang nanonood pa din.

"Sayo nga 'yun. Nasa taas 'yung phone ko e. Ano papalag?"

Tumingin naman ako sakaniya at tumawa ng awkward na tawa. "Sabi ko nga." Sabi ko at tinignan na ang phone ko.

From: Baby ❤

- Are you home already?

To: Baby ❤

- Yup. Sorry hindi ako nakapagtext. :( nagtampo si Kuya e.

From: Baby ❤

- I understand. :) anyway, alam mo 'yung baby?

Napakunot naman ang noo ko sa reply niya. Pinagt-tripan ba ko neto?

Campus QueenWhere stories live. Discover now