Chapter 5

33.1K 939 49
                                    


"Blakeeee!" Sigaw ng isang babae.

Nilingon namin iyon ni Blake at nakita namin si Liz na hingal na hingal na nasa harap namin.

"What?" Iritadong sabi ni Blake sakaniya.

"Can you uhm, tour me in this school? I got my schedule already!" Masayang sabi niya at winagayway pa ang sched niya.

Agad namilog ang mata ko.

"You're studying here?" Tanong ko sakaniya.

Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Obviously. Kaya nga may schedule ako diba? Where's your mind?"

Aba't!

"Utak ko? Malamang nasa ulo ko. Tss." Sabi ko at inirapan siya.

Nagulat ako ng makita ko siyang niyuyugyog si Blake.

"Omg! Omg! And guess what?"

Kumunot lang ang noo ni Blake.

"Parehas tayo ng sched! Nirequest ko 'yun! Kyaaaah!"

Kumunot agad ang noo ko.

"So what?" Tanong sakaniya ni Blake.

"Aren't you happy?" Malungkot na sabi sakaniya ni Liz.

"No. I honestly don't care, Liz. So pwede ba? Umalis kana. Istorbo ka samin ng girlfriend ko." Sabi ni Blake at inakbayan ako.

Umirap naman si Liz pero ngumisi din. "Okay. See yah later!" Paalam niya.

Pagkaalis niya ay hinawakan ni Blake ang kamay ko.

"Kaasar. Epal sa moment natin!" Inis na sabi ni Blake.

Tumawa naman ako.

"Oh, easy ka lang, bae. Hayaan mo na siya sabi mo nga diba? Tara na? Punta na tayo kila Ian!" Yaya ko sakaniya.

Tumango siya at naglakad na kami ng nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Maya maya ay bumitaw siya at kinuha ang cellphone niya at may binasa.

"Ay shit! Oo nga pala." Bulong niya at bumaling saakin. "Bae, may report pa pala kami mamaya. Hindi ko pa nasusulat 'yung akin dun sa Manila Paper. Mamaya na lang bae ah? Ite-text kita mamaya. I love you." Aniya at hinalikan ang noo ko bago tumakbo paalis.

Hay. Hindi manlang ako nakapag-i love you too sakaniya. Pero naiintindihan ko naman siya.

Naglakad na ko papuntang Garden ng biglang may humila sa'kin at pumasok kami sa hindi na nagagamit na classroom.

"Ano ba! Sino ka ba ha?" Naiinis kong sigaw sakaniya.

Binuksan niya ang ilaw at nagulat ako sa nakita ko.

"Kurt?! Bakit ka nandito?! Anong kailangan mo?!"

"Kailangan ko? Ikaw. Gusto na kitang bawiin mula sakaniya!"

"Ayoko! Hindi mo ba nakikita na masaya na kami? Akala ko ba pinabayaan mo na ko? Kurt naman!"

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"I did! Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ka na masaya pero sa piling ng iba! I want you happy with me. Not with anyone else. I want you back, Kylie."

Binawi ko ang kamay ko sakaniya.

"No! Hindi mo ba alam na nandiyan si Ate Love para sayo? Kahit na niloko mo siya nandiyan pa din siya para sayo! She's waiting for you, Kurt!"

"Well I don't fucking care! I don't love her! Ikaw ang mahal ko! Ayokong mapunta sakaniya. Gusto ko, ikaw. Ikaw lang Kylie. Ikaw lang. Wala akong pakealam sa feelings niya."

Campus Queenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن