Chapter 9

29.6K 910 23
                                    

Warning: Medyo madami po ang magiging mura dito sa chapter na ito.

Weeks passed by. Pasweet ng pasweet si Blake pero at the same time palala din ng palala ang pangaagaw nila Vanessa at Liz.

Nakatambay lang kami ngayon dito sa rooftop. Wala ang boys dahil may klase pa sila. Ewan ko ba kung bakit pinaghiwa-hiwalay kami samantalang may mga kaklase din namang babae sila Blake.

Nakikinig lang ako ng music ng biglang umilaw ang phone ko. Nakita kong may nagtext na unknown number kaya't binasa ko iyon dahil sa curiousity ko.

From: +63917*******

- San ka? I've been searching for you for how many minutes already.

Kumunot ang noo ko kaya't nireplyan ko ito. Siya din 'yung nagtext saakin noon na dahilan kung bakit nagaway kami ni Blake.

To: +63917*******

- Who's this?

Mabilis pa sa alas kwatro ay nagreply agad ito.

From: +63917*******

- This is Kurt. Where are you?

Namilog ang mata ko pagkabasa ng pangalang "Kurt" what the hell?! San niya nakuha ang number ko?!

To: +63917*******

- Pakidelete na ng number ko. Hindi 'to si Kylie.

Hindi na siya nagreply. Imbes, nagulat kami ng bumukas ang pinto ng Rooftop. Saktong pagbukas nun ay ang pagring naman ng cellphone ko.

Napatingin ako sa lalaking nakangisi sa pinto habang nasa tenga niya ang cellphone niya.

"Why do you need to lie?" Tanong ni Kurt.

Hindi ako umimik. Lumapit siya saakin at ako naman ay tumayo.

"Don't you dare go near me." Matigas kong sabi.

"What if malapit na ko sayo?" Aniya.

Lumapit sila Jai sakin at tinulak ni Doms si Kurt.

"Back off, asshole." Sabi niya kay Kurt.

"Stay away miss. Hindi kita inaano. Si Kylie ang kailangan ko dito." Aniya at tinignan ako at akmang lalapitan na ako ng sinuntok siya ni Doms.

"Damn!" Reklamo niya at hinawakan ang pisngi niya.

"Told you. Layuan mo na kaibigan ko, Kurt. Sinasaktan mo si Ate Love sa ginagawa mo." Sabi ni Doms sakaniya.

"Wala akong pake! Pwede ba? 'Wag kayong mangealam!" Inis niyang sabi at hinatak ako mula sa pagkakayakap sakin nila Jai.

"Kurt!" Tawag ni Ara sakaniya.

Ngunit hindi niya ito pinansin. Patuloy lang siya sa paghatak saakin hanggang sa makaabot na kami sa pinto. Palabas na sana kami ng biglang naramdaman ko na nawala ang pagkakahawak niya saakin.

Napatingin ako sa nakahigang lalaki sa semento. At napatingin din ako kay Blake na ngayon ay galit na galit na nakatingin kay Kurt.

"Don't touch what's mine." Galit nitong sabi.

Sumugod sila John kila Jai. Habang ako naman ay hinawakan sa balikat si Blake.

"Tama na." Sabi ko sakaniya ng mahinahon.

Tumayo si Kurt mula sa pagkakahiga at sumugod naman sakaniya si Blake at sinuntok siyang muli. Nagsuntukan sila kaya hinawakan nila John si Blake at Kurt.

"Tama na! Ano ba!" Inis kong sigaw.

"Pwede ba! Makuntento ka sa kung anong meron ka! 'Wag mong inaagaw ang girlfriend ko!" Depensa ni Blake.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon