Chapter 64

26.1K 752 150
                                    

"Ano nga kasing meron?" Pangungulit ko kay Jules.

Oo! Kanina ko pa siya kinukulit dahil sa inasta ni Blake. At ito namang loko na 'to, puro tawa o kibit balikat lang ang itinutugon saakin.

"Wala nga." Tawa niyang muli kaya sinamaan ko na siya ng tingin.

"Ikaw!" Sabi ko at tinuro pa siya. "Naglilihim kana sakin! Nakakainis ka!" Maktol ko at tinalikuran siya.

Naglakad ako patungo sa mga bato at naramdaman ko ang paghawak ni Jules braso ko.

"Ley, I'm sorry. Totoo naman kasing wala. Nagusap lang kami. Pinagusapan lang namin yung tensyon na namamagitan saming dalawa." Pageexplain niya.

Tinignan ko siya at tinanggal ang pagkahawak niya sa braso ko.

"Oh, tamo! Wala wala kapa diyan eh may pinagusapan pala kayo! Kung hindi paguusap 'yun, ano tawag mo dun? Sign language?" May halong inis ang boses ko at inirapan ko pa siya.

Narinig ko naman ang tawa niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. "Tinatawa tawa mo?"

Ngumuso siya at inakbayan ako.

"Ang sungit naman ng leley ko. Pero sige lang, ang ganda mo kahit nagsusungit ka e." Aniya.

"Hindi mo ko madadaan sa ganiyan ganiyan mo, Jules Montemayor."

Tinanggal niya ang pagkakaakbay saakin at hinawakan ang dibdib niya.

"Ouch! Jules Montemayor. Sorry, mam!" Sabi pa niya at lumuhod.

Namilog ang mata ko at agad hinawakan ang magkabila niyang balikat. Napakagat labi pa ako dahil may ibang mga turista na nadadaanan kami. Nakatingin pa samin!

"Huy ano ba! Tumayo ka diyan!"

"Ayoko. Hangga't hindi mo ko pinapatawad."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo na! Hindi na ko nagtatampo." Sabi ko sakaniya at binatukan siya.

Tumayo siya at tinignan ako ng mariin. Jusmeyo! Kagwapo talaga!

"Naiinlove kana sakin niyan?" Tawa niya.

Umirap ako sakaniya. "Alam mo, yabang mo talaga." Iling ko.

Tumawa lang siya at inakbayan ako.

Naglakad kami patungo doon sa mga bato na lagi naming pinagtatambayan. Inalalayan niya ako ulit at umupo sa lagi naming pwesto.

"Juice, wala ka pa talagang balak mag-girlfriend ulit?" Tanong ko sakaniya.

Rinig ko ang tawa niya. "Girlfriend? I'm just waiting for the right time and right girl, leley."

"It's been four years? Or five na single ka?"

"Five." Sabi niya at ngumisi.

"Swerte ng magiging girlfriend or asawa mo." Sabi ko sakaniya at nginitian siya.

Lumapit siya sakin at muli akong inakbayan. Pakiramdam ko talaga safe ako kapag nasa tabi ko siya.

"You know, kahit magkaron ako niyan, hinding hindi kita makakalimutan. You had a big part on my life, ley. And I won't ever regret that. I'm proud to say I had you."

Napangiti ako dun. Naramdaman ko din ang pamumula ng pisngi ko.

"Kung ako na lang sana ang 'yong minahal, 'di kana muling luluha pa.."

Napatingin ako bigla sakaniya ng kinanta niya yun.

"What do you mean?" Kunot noo kong tanong sakaniya.

Campus QueenWhere stories live. Discover now