Chapter 70

28.2K 682 93
                                    

Karga karga ko si Lianna na natutulog habang si Blake ay nakasunod saamin dala ang mga gamit na nilabas.

Nagpaikot ikot din kami dito sa Zambales. Kung saan saan kami nakapunta at hindi ko masasabing hindi iyon sulit. 5pm pa lang pero kailangan na naming umalis. Ilang oras ang byahe at ang alam ko ay aalis pa sila Lianna at Liz bukas.

Inihiga ko si Lianna sa back seat at nilagay ang unan sa tabi niya habang si Blake ay nilalagay ang mga gamit sa likuran.

Tinitigan ko lang si Lianna habang inilalagay ko ang ikang hibla ng buhok niya sa gilid ng mukha niya. I promised to protect her. She's still a kid and I want her to enjoy her life, too.

"Baby?" Tawag ni Blake saakin kaya napatingin ako sakaniya.

Nakita ko siyang binuksan ang pintuan ng passenger's seat kaya sinara ko na ang pintuan sa back seat at nginitian siya bago sumakay sa loob.

Tinignan ko si Lianna sa rear mirror. Masiyado siyang masayahing bata. Parang wala siyang tinatagong sakit na nararamdaman. Kung hindi mo alam ang storya niya panigurado ay aakalain mong meron siyang isang mabuting ina. Pero hindi...

"You're spacing out," Sabi ni Blake kaya napatingin ako sakaniya.

Hindi ko namalayang umaandar na pala ang sasakyan. "I-I'm sorry."

"What's bothering you, anyway?"

Bumuntong hininga ako bago magsalita.

"I can't believe that Lianna can say those words. Hindi ako makapaniwalang papayag siya saatin. At lalong hindi ako makapaniwalang masasabi niyang sinasaktan siya ng Mommy niya. She deserve to live happily, not to be treated violently."

"That's my problem. Kaya minsan hindi kita napupuntahan dahil umiiyak si Lianna sakin. Nagsusumbong siya na sinaktan nanaman siya. Gusto ko siyang kunin at maghire na lang ng yaya pero si Liz mismo tumututol. Sinasabi niyang magbabago na siya pero hindi."

Sinandal ko ang ulo ko. Gusto ko ding kunin si Lianna. Gusto ko siyang ilayo sa nanay niya pero alam kong wala akong karapatan para gawin iyon.

"What can we do?" Tanong ko sakaniya.

"Ako na lang bahala. Kung pwedeng isama si Lia sa trabaho isasama ko siya. I'll do anything just to protect her."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko kung hindi mapangiti. Hindi ko din tuloy mapigilan ang sarili ko mag-imagine na kapag may anak na kami, ganito din kaya ang pagtrato niya?

Stupid, Kylie! Ofcourse! Baka nga hindi niya na ilayo ang anak niyo sakaniya. Baka kahit saan siya magpunta dala dala niya sila.

Napangiti ako sa naisip kong iyon. Ang sarap magimagine. Na sana tuloy tuloy na ang ganda ng relasyon namin. Na sana maayos na ang mga problemang natitira pa. Lalo na ang kay Liz.

"And ofcourse, I won't forget to protect you also. I'll face death just for you two to be safe." Sinulyapan niya ako at ngumiti siya.

At sa isang laban, hindi pwedeng isa lang ang dumedepensa. Kailangan pati ang kasama niya. Kaya handa ako. Handa ako sa anumang problemang dumating pa saamin.

Blake's Pov

Napangiti ako habang nakikita ko ang babaeng mahal ko na mahimbing ang tulog.

Sobrang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi niya pinabayaang mawala sakin ang babaeng 'to. Kahit ilang beses ko ng nasaktan, pinaiyak, hiniwalayan, eto pa din siya. Patuloy pa din akong tinatanggap. Sigurado akong wala na kong makikitang ibang babae gaya niya. Na kahit nasaktan ko na ng sobra sobra ay tinanggap pa din akong muli. I am the luckiest guy!

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon