Chapter 30

29.5K 853 77
                                    

Kindly read my PS down there. Thank you. :) mahalaga po yung nakalagay dun.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung nag-usap kami ni Daddy. Nagising ako ng maaga. Antok na antok pa ko dahil sa puyat kagabi. Tumayo na ako at nilabas ang uniform ko at pumasok na sa CR.

Pagkatapos ko ay nakita ko si Vanessa na kakagising lang. Kinukusot pa niya ang nga mata niya habang tinatali ang buhok.

Nagsuklay na ako at nagayos. Hinintay kong matapos si Vanessa at ng matapos siya ay kumain lang kami. Palabas na sana kami ng tinawag ako ni Daddy.

"Kylie,"

Lumingon ako at nakita ko siyang pinapalapit ako. Pagkalapit ko ay hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay doon.

"That's your key for your condo. Hindi pwedeng araw araw kang nandito. You also need to take a rest. Magkatabi lang ang suit niyo ni Vanessa. Okay lang ba 'yun?"

Binuka ko ang palad ko at nakita ko nga doon ang susi. Tinignan ko siya at nilahad muli ang susi.

"Okay lang po sakin na dito ako araw araw. Hindi niyo po ako kailangang bigyan ako ng condo."

Dahan dahan siyang umiling. "Take it. Isa na din sa paraan para makabawi ako. Please..."

Wala na akong nagawa kundi tumango.

"Salamat po." Sabi ko bago umalis.

Tahimik lang ang naging byahe namin papunta sa EU. Hanggang sa pagdating namin ay tahimik din kami. Nauna na akong bumaba. Kita ko ang tinginan ng mga estudyante. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagdere-deretso.

Pagkapasok ko sa room ay nagkwentuhan agad kami. Maya maya ay pumasok na din si Maam at nagdiscuss.

Mabilis ang oras kaya hindi namin namalayang uwian na. Kumaripas agad ang mga kaklase ko papunta sa Gym dahil ngayon ang laban nila Blake sa Weston University.

"Tara na! Bilisan mo! My god! Maguumpisa na 'yun!" Pagmamadali sakin ni Ericka.

"Eh mauna kana kaya? Ayan o! Nakabukas pinto. Excited lang?" Irita kong sabi sakaniya.

Sumimangot na lang siya habang ako naman ay inayos na ang gamit ko. Pagkatapos kong ayusin ay pumunta na agad kami sa Gym.

"Ay teka! Ba't dala ko pa 'to? Ang bigat kaya! Babalik ko muna 'to sa locker." Sabi ko sakanila.

"Nak ng! Ano ba naman 'yan Kylie o!" Inis na sabi nila.

"Mauna na kayo. Susunod na lang ako." Sabay peace sign ko sakanila.

Walang sagot galing sakanila dahil agad silang tumakbo. Supportive girlfriend much?

Naglakad na ako papunta sa locker ko at agad nilagay ang mga libro. Pagkasara ko ay nagulat ako ng may nakita akong tao sa gilid ko.

"Miss me?" Tanong niya saakin at kumindat.

I rolled my eyes. "Miss your ass, bitch." Sabi ko at nilagpasan na siya ng hinatak niya ako sa braso.

"Ohh, may sasabihin lang sana ako. Na siguradong ikagugulat mo." Sabi niya saakin at ngumisi.

Inip na ekspresyon lang ang ipinakita ko sakaniya. "What is it, Liz?"

Lumapad lalo ang ngisi niya. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at may ibinulong na ikinagulat ko.

"Kylie Michelle Natividad Santiago. Hmm, sounds good." Sabi niya at inilayo ang mukha niya saakin. "Akala ko ba Dela Vega ka? Tsk. Poor you. Napuno ng kasinungalingan ang buhay." Iling niya.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon