Chapter 18

28.8K 796 63
                                    

Kylie's Pov

Goodmorning, sis! Listen to your teacher's okay? :) mwa! :*

- Ate

Napangiti nanaman ako nakadikit ito sa notebook ko sa bag. It's been weeks since laging may note saakin si Ate. Hindi ko din siya nakakausap dahil nga busy siya. Hmm, siguro kaya niya ko sinusulatan dahil hindi ko na siya masyadong nakakasama.

Tinupi ko iyon at inilagay sa bulsa ng bag ko at pumunta na sa cafeteria kung saan nandun ang barkada.

Umupo ako sa tabi ni Ara.

"Ang tagal naman nila." Reklamo ni Ara.

"Oo nga. Kanina pa silang 10 nagp-practice ah." Jai.

"Ano? Sinulit nila porket half day? Tss." Ericka.

"Hindi pa nga sila kumakain e," Sabi ko.

"Chill guys," Doms.

"Chill? Kanina pa kaya tayo naghihintay!" Kinah.

Yunuko naman ako para pigilan ang tawa ko. Mga beat actress 'tong mga bestfriends ko!

Biglang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon at tinignan ang nagtext.

From: Jhersel

- Let's start the show.

Napangiti ako sa nabasa kong 'yun. Tinignan ko din sila Doms at nakita kong nakatingin din sila sa phone nila at ngumisi.

"Oy, anong meron? Ba't mga nakatingin kayo sa phone niyo at ngumi-ngisi? Nagtext mga boyfie niyo no? Nako!" Singhal ni Ara.

"Oo e. Sagutin mo na kasi si Jhersel!" Asar ko.

"Sasagutin ko naman na talaga siya e," Sagot nito.

"Kelan?" Tanong ni Doms.

"Kapag tinanong niya na ako."

Napangiti ako. Tumingin ako kay Kinah at tumango naman siya saakin.

Kinuha ko ang bottle na walang lamang tubig at pinukpok iyon sa ulo ni Doms.

"Aray!" Singhal ni Doms at pinukpok din sa ulo si Kinah.

Hanggang sa napukpok ni Jai ang ulo ni Ara kaya tumayo na kami at tumakbo.

"THE EFF!!" Sigaw ni Ara at hinabol kami.

Tinanguan namin ang mga studyanteng nadadaanan namin at ginawa na nila ang dapat nilang gawin.

Nang makarating kami sa garden ay agad naming natanaw sila Jhersel na nakajersey pa.

"Okay na." Sabi ko sakaniya.

Lumapit sakin si Blake at inabutan ako ng tubig.

"Drink. Hingal na hingal ka."

"Thanks." Sabi ko at ininom ang tubig na inaalok niya sakin.

Umupo muna kami sa upuan na semento. 'Yung iba ay sa lamesa na semento dito sa garden. Ganun ang mga upuan at lamesa dito.

Ilang minuto din kaming nakaupo doon at nakatingin sa hallway kung saan tagos itong garden ng EU ng sumenyas na samin ang dalawang studyante. Agad kinuha ni John ang props nila at kami naman ay humilera na.

"TABI! BUSET! ANO BA! ARAY! TAE! HINDI KAYO AALIS?! TINAKBUHAN AKO NG MGA KAIBIGAN KO KAYA TABI!" Natawa kami sa sigaw na 'yun ni Ara. Malapit na nga siya. Rinig na namin boses niya e. "ARAY! BUNGGO KAYO NG BUNGGO! BUNGGUIN KO KAYA KAYO?! BWISIT!" Sabi pa niya.

"Tol, sungit ng girlfriend mo." Sabi no Eithan kay Jhersel.

"Soon to be, tol." Jhersel.

"Walang soon soon. Maririnig niyo na ang oo niyan mamaya kaya girlfriend na. 'Wag ka ng choosy, tol!" Ian.

Campus QueenWhere stories live. Discover now