Chapter 28

26.7K 749 178
                                    

Weeks passed by. Dito na muna ako kila Kinah tumutuloy. Hindi naman pwedeng si Blake lagi kasama ko. Limitations pa din naman no.

"Let's go?" Aya sakin ni Kinah.

Tumango ako. Hays. Tatlong linggo na din ang nakalipas. Lilitaw lulubog lang ako sa EU. Minsan pumapasok, minsan hindi.

Tumayo ako at bumaba na din. Nakasalubong ko doon si Tita Ella. Mommy ni Kinah.

"Goodmorning po." Bati ko sakaniya.

Ngumiti naman siya saakin. "Goodmorning din, iha. May tatanong sana ako sayo."

"Sige po."

"Nakausap mo na ba Mommy mo?"

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko. Mommy? She's just my Auntie.

"Oh, I mean, your Auntie." Dugtong niya at nginitian ako.

Ngumiti na lang ako ng pilit at umiling. "Hindi pa po." Sabi ko. "Sige po Tita, pasok na po kami ni Kinah." Paalam ko sakaniya bago makipag beso.

"Bye. Take care."

Tumango na lang ako at lumabas na. Sumakay na ako sa sasakyan nila Kinah at umalis na kami.

Nang makarating kami sa EU ay lahat sila nagtitinginan nanaman. Sanay na ko.

"Bakit kaya si Kinah na lagi kasabay niya?"

"Oo nga. And pansin ko din na malungkot si Kean at Kaitleen lately."

"May mali sa mga Dela Vega."

"Korek!"

Hindi ko na lang 'yun pinansin. Hinawakan na lang ni Kinah ang kamay ko at tinignan ako.

"You can do it, sis." Sabi niya saakin at nginitian niya ko.

Pumasok na kami sa loob at tinginan nanaman. Luminga linga ako baka sakaling makita ko ang barkada pero bigla na lang ako may nakabangga.

"Shit." Mura ng nakabangga ko.

Wow ha? Siya pa may ganang mag mura. Pero teka, familiar voice.

Hindi ko na ininda 'yung sakit ng pwet ko at tumingala. At sumalubong saakin ang madilim na aura ni Kuya at kasama niya si Ate na nakasimangot.

Naglighten ang mukha nila ng makita nila ako.

"Omg! Kylie!" Sigaw ni Ate ng akmang yayakapin ako pero agad ko siyang pinigilan.

"Don't you dare." Sabi ko ng matigas.

Napayuko naman siya at si Kuya naman ay nilahad ang kamay niya. Tinitigan ko lang iyon at tumayo. Pinagpag ko ang likod ng palda kong uniform at tinignan si Kinah.

"Tara na?" Aya ko sakaniya.

Alanganin siyang tumango. Ngumiti na lang ako at naglakad na kami paalis. Rinig ko pa ang pagtawag sakin nila Kuya pero hindi ko 'yun pinansin.

No, 'wag kang tutulo luha. Don't betray me.

Kinagat ko ang labi ko at tumingala nang maramdaman kong niyakap ako ni Kinah. Huminto pala kami, hindi ko manlang namalayan.

"Shh, be brave. You can do it. Nandito lang kami." Alo niya saakin.

Pinunasan ko na lang ang luha at kumalas.

"Thank you." Ayun lang ang tanging nasabi ko.

"Anything for our bestfriend." Sabi niya at kinindatan ako.

Naglakad na kami patungo sa room. Nakita ko na doon sila Ara. Pero wala sila Blake. Hay, bakit kasi kailangan pang ipaghiwalay kami nung mga Teachers na ayaw saamin? Mga bitter.

Campus QueenWhere stories live. Discover now