Chapter 8

28.7K 890 26
                                    

Lumabas ako ng CR at nakita kong masayang naglalaro pa din ang barkada.

"Asan si Blake?" Tanong ko sakanila ng mapansing wala si Blake sa pwesto niya kanina.

"Lumabas. Badtrip na badtrip nga e. Ano bang nangyari?" Sagot at tanong sakin ni John.

"Sundan ko muna. Mamaya ko na ikwento sainyo."

Lumabas ako at dumiretso sa kwarto kung saan matutulog ang boys. Wala siya doon kaya bumaba ako. Nilibot ko ang buong 1st floor namin ngunit wala. Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa Pool side at doon ko siya nakita. Nakaupo sa bench habang nakatingin sa mga bituin.

"Baby," Tawag ko sakaniya.

Hindi niya ako pinansin imbes ay nagsalita siya gamit ang malamig na tono.

"What? Go back there and play with them. Babalik ako mamaya."

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niyang nakatukod sa bench.

"Wala 'yun. Hindi ko nga 'yun kilala e. Maybe just one of the people that wanted to break our relationship? Please, maniwala ka sakin."

Tumingin siya saakin. Wala akong mabasang ekspresyon sa mata niya.

"I trust you, by. Nainis lang talaga ako dahil kung makapagtext siya sayo ay napakaclingy."

I smiled. "Don't worry. Maging sweet man siya hindi ko pa din siya papatulan. Because I'm only yours." Sabi ko at niyakap siya. "Bati na tayo ha?" Tanong ko sakaniya.

"Yeah." Sagot niya at hinalikan ang gilid ng ulo ko.

Tumayo siya at naglahad ng kamay para saakin.

"Let's go back?"

Tumango ako at tinanggap ang kamay niya bago kami muling pumasok sa bahaynat umakyat sa kwarto ko.

Nakita kong nagiinuman na sila doon sa balcony ko.

"Saan niyo nakuha 'yan?" Tanong ko sakanila.

"The boys brought it. Plano na nilang maginuman talaga." Sagot ni Ara saakin.

Tumango ako at umupo na sa tabi ni Ericka. Tumabi naman saakin si Blake. Kinuha ko ang shot glass at ininom.

"Don't drink too much." Saway sakin ni Blake.

Sa halip na sagutin siya ay tumawa na lang ako.

Kwentuhan at tawanan lang ang bumalot saamin habang nagiinuman kami. Hindi nagtagal ay nagkayayaan ng matulog dahil halos lahat na ng babae ay bagsak na.

Kinabukasan nagising ako na feeling ko ay may nakatitig saakin. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Blake sa gilid ko habang nakangisi.

"Goodmorning, baby." Aniya at hinalikan ang noo ko.

Kinusot ko ang mata ko at umupo. Tinignan ko sila Jai at kita kong bagsak pa din sila.

"Goodmorning din. Ikaw pa lang gising?" Tanong ko sakaniya.

"Nope. Sila Ian nasa baba na. Naghahanda ng breakfast. Baba na tayo?"

"Sunod na ko. Maghihilamos muna ako."

Tumango siya at hinalikan ang pisngi ko bago bumaba.

Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush ay bumaba na ako. Naririnig ko ang tawanan ng mga boys. Pagkatapak ko sa kusina ay nakita kong pinagt-tripan nila ang isa't isa.

"Anyareh?" Tanong ko sakanila.

Lumingon sila saakin. Mga naka topless! Jusme. Kung hindi ko lang siguro mga barkada ito ay magkakagusto ako sakanilang lahat. Pero loyal ako kay Blake ko e.

"Wala naman. Hahaha! Gigisingin ko na muna ang asawa ko." Sabi ni Ian.

"Ako din." Sabi ni Ethan hanggang sa lahat na sila umakyat at kami na lang ni Blake ang natira.

"Mga unggoy talaga." Aniya at inilapag ang niluto nila kanina.

Umupo ako at pinagmasdam siyang naglalabas ng mga baso at pitsel.

"Yeah right. Alam kong macho ako. Stop staring, baby." Aniya.

Umiling ako at tumayo para salinan ng tubig ang mga baso.

Nakarinig ako ng ingay pababa at pagpasok ng kusina ay akala mo nasa palengke dahil sa kaniya-kaniyang usapan.

"Ang ingay!" Sigaw ko.

Tumahimik naman sila at tumingin saakin.

"Ay sunget." Sabi ni John.

Umiling ako at nilapag ang mga baso. Umupo ako sa tabi ni Ara at kumuha na din ng kanin at ulam.

"May papakita ako sainyo." Sabi saamin ni Bryan at tumayo siya.

Lahat naman kami ay napatingin sakaniya.

May kinakalkal siya sa cellphone niya habang humahagikgik. Itinaas niya ang cellphone niya at ng makita namin kung sino 'yun ay hagalpakan kami sa tawa.

"Damn! Fuck you, Bry!" Sigaw sakaniya ni Jhersel.

Nandoon kasi sa picture na 'yun ay si Jhersel na natutulog habang nakayakap kay John.

"Gayshit!" Sabi ng boys sakaniya at tumawa.

Napuno ng asaran habang kumakain kami. Nang matapos ay lahat kami tumungo ulit sa kwarto ko para mag movie marathon.

Nang maghapon na ay nagsiuwian na sila. At ako naman ay ginawa na ang mga dapat kong gawin at natulog na.

"Goodmorning, Kylie!" Bati saakin ng mga schoolmates ko na nakakasalubong ko.

"Goodmorning." Bati ko sakanila at ngumiti.

Naglakad ako papunta sa locker ko at may nagtakip naman ng mata ko.

"Goodmorning, baby." Aniya.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay na nakatakip saakin. "Goodmorning din."

Tinanggal niya ang pagkakatakip sa mata ko at hinintay akong mailagay ang libro ko bago ako hatakin.

"Ay pusit! San tayo pupunta?"

"Kakain. Nagugutom ako e." Sagot niya.

"Ba't kailangan isama mo pa ko?"

"Ayaw mo? Gusto mo ikaw na lang kainin ko?" Aniya at humalakhak.

Sumimangot ako at binatukan siya. Nang makarating kami sa canteen ay umorder na siya at naghanap na kami ng table bago siya magsimulang kumain.

Ako naman ay kumakagat din sa burger na inorder ko ng biglang may sumulpot na impokrita sa gilid namin.

"Hi, honey." Bati ni Liz kay Blake.

Hindi siya pinansin ni Blake. Imbes, nagpatuloy lang ito sa pagkain.

"Aww. Bakit hindi mo ko pinapansin?" Paawa effect na sabi ni Liz.

Seryosong tinignan ni Blake si Liz.

"Kasi ayoko. Please, Liz. Hangga't kaya ko pang controlin ang mga salita ko umalis kana. I don't wanna hurt your feelings."

"But you already did." Mangiyak ngiyak na sabi nito.

"Hindi kita sasaktan kung hindi ka nagpupumilit."

"Whatever. Hindi pa din ako susuko." Sabi nito at tumalikod na.

Sinundan ko lang siya ng tingin. Nakakabwisit 'yun!

"Kalma na." Sabi saakin ni Blake.

Tinignan ko siya at hinawakan naman nya ang kamay ko.

"I said I'm yours only right? Only yours." Aniya.

I smiled. Hinalikan niya ang kamay ko at kinindatan ako. "I can't leave you. Because I'm deeply inlove with you already."

Campus QueenWhere stories live. Discover now