Chapter 54

31.6K 766 93
                                    

Ilang araw ang lumipas at pasko na. Hindi kami sa condo nagstay, binisita lang namin yung unit namin. Ilang weeks lang naman kasi kami dito tapos sa condo pa kami? Kaya dun kami kay Daddy.

Nilabas ko mula sa oven ang smores na ginawa ko. Wala lang. Nagbake lang ako para mamaya.

"Ang bango ano 'yun?"

Napalingon ako sa bandang pasukan ng kusina at nakita ko si Vanessa.

"Smores, van. Nagbake ako e."

"Woah di nga? Patikim!" Sabi niya at tumakbo agad papunta sa pwesto ko.

"Nope nope. Pang mamaya 'to." Sabi ko at bumelat sakaniya.

"Sila Ashley pupunta dito mamaya. Sila Nad ba pupunta?"

Tumango ako. "Oo, kahapon pa sila nakadating e. Magb-bake pa ko ng isa, oreo cheesecake. Game?"

"Bet on me." Sabi niya at nagapron.

Pumunta muna akong sala at sinaksak ang cellphone ko dun. Nilakasan ko ang speaker at pinatugtog ang 679.

"Orayt, game!" Sigaw ko at nagumpisa na kami.

May halong kulitan ang pagb-bake namin. Idagdag mo pa si Lexis na bumaba. Nagpahidan ng cream ng oreo kaya ang lalagkit ng mukha namin.

Forever is a long time...

Napatigil ako dun dahil biglang nagiba ang tugtog. Ringtone ko yun ah? May tumatawag.

"May tumatawag ata sayo Ky."

Naghugas muna ako ng kamay bago ako pumunta sa sala. Meron nga.

Blake calling...

"Hello?"

[Hi, Mrs. Garcia.]

"Oh hello there, Mr. Garcia." Sabi ko at napangiti.

I heard him chuckled. [Merry christmas, my one and only.]

"Merry christmas, too. Pakisabi din kila Tita. Same with Brenna."

[Speaking of, she wants to talk to you... Kuyaaaaa!... Heard it?]

Tumawa naman ako. "Yup, bigay mo phone mo."

[Yes, boss. Hoy bulilit, oh... Hellow ate Kylieeee?]

"Hi, baby! Merry christmas!"

[Merry christmas too ate. I wanna shi you.]

Napapout naman ako. Bakas sa boses niya ang lungkot e.

"Aww, I wanna see you too."

[What are you doing ate?]

"Hmm, nagb-bake. You wang some oreo cheesecake? Or smores?"

She giggled. Ang cute talaga ng boses ng batang 'to. [I want ate! Can I have shome?]

"Ofcourse you can. Tatabihan kita. Then bibigay ko sayo when your Kuya comes here."

[Okay ate. I'll expect that!]

Natawa ako. Hindi ka talaga makakatakas sa batang 'to.

"Sure."

[Ate, I'll give this back to Kuya na ha? See you soon. Merry christmaaaas!]

"Okay. Same baby."

Nakarinig ako ng ingay. Nagdatingan na ata mga pinsan at tito ni Blake.

[Wait, kausap ko Mrs. ko... Woah, lupet bro! Hahaha, sige. Punta muna kami kila Tito... Ge, give me a minute. Hello baby?]

Campus QueenWhere stories live. Discover now