Chapter 40

28.1K 835 171
                                    

Yung Jude na nasa Chapter 39 ay si Jules inedit ko na po yun. Nagkamali. sorry :)

"Bukas na."

"Ang atat mo naman! Next week na lang."

"Bukas na kasi! Hindi na ko makapaghintay e."

Inirapan ko si Vanessa.

"Edi mauna ka magpadespidida! Basta ako next week na."

"Next week eh magpapasukan na!"

Yes, time flies so fast. June 15 na. Pasukan na ng EU next week. At dahil loyal ang barkada, dun pa din daw sila. Para daw kung sakaling umuwi ako dito sa pinas alam ko kung san sila hahagilapin.

"Eh sa July pa naman flight natin ah! Bakit ka nagmamadali? Alam naba ni Daddy 'yan?"

"Ang kulit mo! Sinabing excited nga kasi ako."

"Edi mauna kana nga."

"Hays sige na nga. Next week na lang din ako."

Parang gusto ko pa 'tong inisin lalo. Kaya...

"Sa July na lang pala ko."

Kita ko ang pagbagsak ng balikat niya.

"Ang tagaaaaaaaaaaal!" Reklamo niya at niyugyog ako.

"Sa July na ate, please. Ang atat mo namang umalis e." Sabay sad face ko.

"Hays, oo na. Sige na! Bwisit." Sabi niya at humiga dito sa sofa ko.

Nandito kasi kami sa unit ko. Ewan ko ba dito at ayaw niya sakaniya. Ang kalat pa daw kasi. Tamad kahit kelan.

Kasalukuyan kaming nanonood ngayon habang pinagtatalunan kanina kung kailan gaganapin ang despidida. Pero may plano ako sa araw na 'yun.

"I'll invite him."

Napatingin siya saakin at umayos siya ng upo.

"Who?"

"Si Blake." Sabi ko at sumubo ng chips.

"Woah, wait. Are you sure?"

"Mukha ba kong hindi sigurado?" Irap ko sakaniya.

"I'm just asking. Baka kasi kapag nakita mo siya automatic na maging tanga ka nanaman na maghabol sakaniya. Duh, knowing you? Tss."

Hindi ako kumibo. Ilang weeks ko na 'tong napagisipan. At ang naging desisyon ko ay iimbitahin ko siya. And I swear, ayun na ang magiging huling paguusap namin before I go to Georgia.

*Bzzt* *Bzzt*

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong si Jules ang nagtext.

From: Jules

- Nandito na ko. Hintayin kita sa lobby. :)

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"Hoy bruha! Saan ka pupunta?"

"Aalis. Magm-mall kami ni Jules."

Tinignan niya ko na para bang may 'something'.

"Gaga! Alam ko 'yang iniisip mo, wala." Sabi ko at tinalikuran siya.

"Iiwan moko dito?" Malungkot niyang sabi.

Tinignan ko siya, "Oo, nagsasawa na ko sa araw araw kitang kasama. De joke! Babalik din ako agad." Sabi ko at tinalikuran siya.

"ITEXT MO KO PAG PAUWI KANA AH!" Sigaw niya pagkalabas ko ng pinto.

Bumaba na ako at ng makarating ako sa lobby ay nakita ko siya agad doon wearing his jeans with matching blue v neck shirt with his dogtag (yung pamorma) and his shades on.

Campus QueenWhere stories live. Discover now