Chapter 42

28.6K 790 99
                                    

Weeks passed by. Ang bilis, parang kelan lang unang pasukan pa lang ng EU. Ngayon midterm na. It's July 26, and sa July 28 na ang flight namin. Dalawang araw na lang, iiwan ko na ng tuluyan 'tong Pilipinas.

Last day na ng midterm nila Jai ngayon. And ngayon na din ang padespidida namin ni Vanessa.

"What do you think should I wear? This skater skirt or this tube dress?"

Tinignan ko naman ang pinili niya. Cute yung skater skirt, bagay sakaniya kasi tama lang yung tangkad niya. Hindi siya pandak, hindi din siya matangkad. Katam taman lang. Pero yung tube dress naman masiyadong hot. Parang pang p*kpok ata eh.

"I prefer the skater skirt. Tas crop top e-partner mo. Edi shala ka!" Sabi ko at kinagat yung tinapay na palaman ay nutella.

"Ikaw? Ano isusuot mo? Hindi ka pa ba magr-ready?"

Napakunot naman ang noo ko at napatingin sa orasan. 4pm pa lang. 5pm matatapos sila Jai at Ara pero sila John at Kinah kanina pang 2pm natapos.

"Mamaya na. Call time 7pm pa naman diba?"

"Duh? Malapit na din 'yun 'no! Ilang oras na lang."

"Eh, bahala ka. Atat ka talaga eh no."

Isang oras na ang lumipas at nagtext na sakin sila Jai na tapos na sila sa exam nila. Magr-ready na lang daw sila at magkikita kita bago gumora dito.

*Ding dong ding dong ding dong*

"SANDALI NAMAN!" Sigaw ko at binuksan yung pinto at bumungad sakin si Vanessa na nakaskater skirt. Nice! Sinunod niya nga yung sinabi ko.

"Hindi kapa din nagr-ready? Gahd! Shupi na! Maligo kana." Sabi niya at tinulak tulak ako papasok.

"Eh ano gagawin mo dito?" Poker face kong tanong sakaniya.

"Malamang hihintayin ka. Shungaers talaga." Sabi niya at tinulak nanaman ako.

Pumasok na ako at naligo't magready na nga. Pink na dress na lang ang pinili ko at nagsalamin yung pamorma. 1 hour & 40 minutes din bago ako matapos. Hindi ko nga namalayan na ang tagal ko na pala. Kinatok lang ako ni Vanessa.

"Hoy ano na! Ang tagal mo! Nandiyan na sila Jai!"

Ay! Naglip gloss na ako at lumabas na. At ayun nanaman sila! Nakita kong nage-xbox.

"Wassup? Musta midterm?" Salubong ko sakanila at nakipagcheek to cheek kila Jai tas kila Ian naman ay fist bump.

"Ayun, duguan." Sabay pout ni Jai.

"Hahaha! Atleast success diba?"

Tumango naman sila at nagjust dance na sila. Hinintay namin text ni Vanessa. Nang mareceive ko text ni Van na kumpleto na sila sa baba ay inaya ko na din pababa sila Jai.

"Tara na kumpleto na sila Van sa pababa."

Bumaba na kami at nakita ko agad ang grupo nila Van. Sila lang kumpleto, eh pano naman sila Ate Kait?

"Don't tell me nandito din mga fake friends ng kapatid mo?" Tanong sakin ni Kinah sakin ng nakataas ang kilay.

Nagkibit balikat ako at naglakad na kami papunta kila Van.

"Sissss!" Tawag niya saakin pagkalapit namin sakanila.

"Yow? Buti wala dito sila Ybelle?"

Nakita kong napasimangot siya.

"Oh come on, we all know what they want from me. So why invite them? Si Rachelle at 'yang mga 'yan lang naman ang true friends ko."

Tumango tango ako, "Ohh-kay, kalma lang pwede? Asan si Ate Chelle?"

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon