Chapter 57

26.1K 781 221
                                    

Hindi ko namalayan na January 6 na. Aalis na kami. Babalik na sa Georgia. Niyakap ako ni Daddy at hinalikan sa ulo.

"Iiwan niyo nanaman ako. But promise me every vacation you'll come back here." Malungkot na sabi ni Daddy.

Hindi ako umimik. Parang ayoko e. 3 years ko siyang karelasyon, alam kong hindi ganun kadaling magmove on ng ilang buwan lang.

"Dad, magche-check in na kami." Sabi ni Vanessa ng mapansin niya siguro ang pananahimik ko.

Dahan dahang tumango si Daddy. Niyakap ko siya pati ang mga pinsan ko na naghatid dito saamin. "I'll see you soon guys." Ngiti ko sakanila at hinalikan si Daddy sa pisngi. "See you soon, Dad."

Nginitian ako ni Daddy at hinawakan ang kamay ko.

"You can move on, my bunso. You can." Sabi niya sakin at hinalikan ako sa noo. "I love you both."

Pinahid ko ang luha na tumulo sa mata ko at niyakap siyang muli. "I love you too Dad." Sabi ko at kumalas na din.

Ngumiti ako sakanila at walang alinlangang hinatak ang maleta ko. Hindi ako magda-dalawang isip na umalis muli. Pero alam ko sa sarili ko na hinihintay ko siyang humabol ngayon sa bawat paghakbang ko papasok.

Papasok na kami ng tuluyan ng lumingon akong muli sa barkada at pamilya ko. Ngumiti ako muli sakanila at kumaway and I mouthed the words 'See you soon.'

Masakit.. kasi halatang desidido na siya na si Liz na. Suddenly, I felt guilt. Na sana pinagexplain ko siya para nalaman ko kung ano ang dahilan. Na sana hindi na bumabagabag sa isip ko ang mga katagang binitawan niya saakin.

"Kailangan niya ako Kylie."

"Mas kailangan niya ko."

Mga katagang pilit sumasaksak ng ilang beses sa puso ko. Anong meron siya na naging dahilan upang mas piliin siya ni Blake? Ako yung lumaban e. Ako yung humarap ng buong tapang sa maraming tao tapos lahat lang ng 'yun mapupunta sa ganito?

Ang hirap bitawan ng ilang taon na pagsasama namin. Pero mas mahirap kasi lumaban ng ako lang. Dahil alam kong hindi ko kakayanin kung yung kakampi ko mismo, kumakampi na sa kalaban.

"Kylie, aakyat na." Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami paakyat sa eroplano. Nakita ko ang pagaaalala sa mukha ng mga kasama ko kaya nginitian ko sila.

"Don't worry guys. I'm fine." Sabi ko at nanguna na paakyat.

Naramdaman ko ang paghawak ni Jules sa kamay ko pero hindi ako kumibo doon. Dere-deretso lang ako papunta sa seat assigned sakin at tumabi naman siya saakin.

Alam kong pinapakiramdaman niya ako dahil nananahimik siya sa tabi ko.

Hindi ko na nga namamalayan ang nangyayari. Ang alam ko na lang na sumunod ay unti unti ng umandar ang eroplano.

This is it.. I'm leaving this country again. And when I come back, I swear, wala na 'tong sakit na patuloy pinapatay ako unti unti.

Binuhos ko kasi lahat. Kaya etong sakit na natanggap ko, mas triple pa sa binuhos ko.

**

"Masscom, woo! Masscom woo!" Masaya naming sigaw lahat at binuhat nila ako at si Jershey. Tumatawa kami ni Jershey habang nasa ere kami.

"Congratulations again, Masscom Department!" Sabi samin ng emcee at nagpalakpakan muli ang mga audience, judges at iba pang mga nandito sa Field.

Yes! Panalo kami. Kung dati tatlong beses kaming nag 1st runner up simula 1st to 3rd year namin. Ngayong 4th year na kami ay champion na.

Campus QueenWhere stories live. Discover now